“Salamat pala sa paghatid, anak,” sabi ng kaniyang Ina nang makalabas ito sa kotse niya. Tungo lang ang sagot niya dahil wala naman siyang sasabihin. “Mag-iingat ka sa pagdadrive,” dagdag pa nito. Nang makita niyang nakapasok na ang mag-ina sa bahay nito ay napapikit siya sa hindi maintindihan na pakiramdam. Gusto niya sanang malaman kung ano ang pinag-usapan nila ng kaniyang Ama, pero merong pumipigil sa kaniya na huwag na lang intindihin. Hindi niya na kailangan malaman dahil ayaw niya na madagdagan ang kaniyang problema. Kung gusto rin naman sabihin ng ama niya sa kaniya kung ano ang pinag-usapan nila ay sasabihin naman agad nito sa kaniya. Biglang naalala ni Aikira sa Daven. Hindi naman masama kung bibisitahin niya ang lalaki hindi ba? Kailangan niya rin naman makausap si David. K

