“Hindi ka ba nahihiya?” Napakunot si Aikira sa sinabi ni Jethro sa kaniya. “Bakit?” “Meroon kang kasamang lalaki tapos mahirap pa. Hindi mo pa nga ako gaano kilala.” Inubos muna ni Aikira ang kaniyang kape at tinignan ng seryoso si Jethro. Ano na naman kaya ang nasa isip ng lalaking ito? “Ano naman? Meroon akong nalaman na tungkol sa’yo. Siguro sapat na ‘yn para makilala ka. Masyado kang walang tiawala sa sarili mo. Hindi ba ikaw ang badboy ng Grimson College? Patunayan mo sa akin na isa kang badboy.” Napangisi si Jethro sa sinabi sa kaniya ni Aikira. Bakit ba ganito ang babaeng ito? Ang akala niya badgirl ang babae pero noong nakilala niya ito at nakikita niya rin ang kabutihan sa puso nito..Ito ang mga babaeng hinahanap niya. Medyo badgirl na goodgirl. Hindi nga siya makapaniwala na

