KABANATA 1.2

1016 Words
Jennalyn P.O.V. Ng matapos ang klase'y pwede na daw umuwi kaya lumabas na 'ko ng may humila sa braso ko. Si zandra lang pala. "Bakit?" tanong ko sakanya. "Samahan mo ako. Please!" sabi niya saka nag puppy eye. "Sorry may pupuntahan kase ako. eh," sabi ko saka ako tumingin sakanya. "Teka! San ka ba kase pupunta?" tanong ko. "Makikipag kita kase ako kay cedrick at may plano ako. At sigurado akong sisikat 'yun bukas. Hahahaha," sabi nito saka tumawa na parang baliw. "Sorry talaga. " sabi ko saka tumakbo papunta sa parking lot dun ko nalang hihintayin si cedrick. Zandra P.O.V. Bakit parang nagmamadali si jenny? 'Di ko nalang pinansin 'yun. Dali dali akong pumunta sa gym. Sigurado akong naghihintay si cedric sa akin. Tinatanong niyo kung pa'no ko nagawa? Simple lang naman. Sinabi ko kay cedrick na makikipagkita si jenny sakanya. May sasabihin sakanya si jenny at alam kong pupunta 'yun dahil kaibigan niya si jenny. Ng makarating ako sa gym ay nakita ko siyang nakatalikod sa pwesto ko. Kaya lumapit ako sakanya at niyakap siya ng patalikod. Ang bango niya talaga hihihi. 'Click' "Ikaw. Ha, nangyayakap ka ng patalikod tyansing ka rin eh 'no." sabi nito kaya napatawa ako. Hinawakan niya ang kamay ko saka niya ako pinaharap sakanya. Ngumiti ako sakanya. Nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya kaya nabitawan nya ang kamay ko na hawak niya. "Bakit nandito ka?" tanong nito nagkibit balikat nalang ako sa sinabi niya. "Sabi niya mauuna na daw siya sayo. Sabihin ko daw sa iyo sabi niya. " Sabi ko kaya napatango siya. "Okey. Aalis na pala ako." Sabi niya saka tumalikod sa'kin at dali daling naglakad . Hinila ko ang braso niya at pinilit kong mapaharap siya sa'kin. Ng mapaharap siya'y kaagad kong hinawakan ang magkabilang pisngi niya at hinalikan siya. Kita ko naman na nagulat siyna kaya napangisi ako. 'Click' Pinalalim ko ang halik ngunit hindi talaga siya gumaganti sa halik ko. Kakagatin ko na sana ang ibabang labi niya ng bigla niya akong itulak kaya labi ko ang nakagat ko. Nakakainis siya hindi parin tumalab. Tumayo ako at dinuroduro siya. "Bakit. Hindi mo ba nagustuhan ang labi ko na kay nipis at lambot?" tanong ko sakanya. "Hindi! Dahil mas masarap at mas malambot at mas manipis pa ang labi ng nobya ko kesa sa labi mong bulok. Pwe!" sabi nito saka naglakad ng mabilis. Napa-upo naman ako dahil sa inis. Sino ba kase ang girlfriend niya? baka naman kase wala talaga. Jennalyn P.O.V. Nasa 30 minutes na ng makarating si cedric dito.nakakainis naman siya.pero napansin ko na hinihingal siya. " 'Bat ngayon ka lang? kanina pa kita hinihintay ah. Alam mo bang pinapapak na 'ko ng mga lamok? tss. "naiinis na tanong ko sakanya. "A-ahh a-ano k-" hindi nya natutuloyo ang sasabihin nya kaya sumabat na 'ko. "Ano ngang sasabihin mo?" naiinis na tanong ko sakanya. "Kase si zandra niyakap niya 'ko sa likod. Akala ko ikaw 'yun, sabi niya kase gusto mo daw makipagkita sa'kin tapos may sasabihin ka daw sa'kin kaya akala ko ikaw 'yun tapos hinalikan niya 'ko." Pagpapaliwanag nito. "Wala naman akong sinabi sakanya ah---" Bigla nalang pumasok sa isip ko 'yung sinabi ni zandra kanina. 'makikipag kita kase ako kay cedrick at sigurado akong sisikat 'yun bukas.' Napahawak nalang ako sa sentido ko ng maalala ko 'yung sinabi niya. "Hey babe are you alright?" tanong niya kaya ngumiti ako at tumango. " 'Lika na nga babe pupunta pa tayo sa bahay para ipakilala ka 'di ba." Sabi niya. Napatango naman ako kaya pumunta na kami sa kotse niya at pinagbuksan niya 'ko ng pinto. Saka niya sinara ang pinto ng makapasok ako at umikot sa kabila para makapagdrive na siya. Nang makarating siya ay kaagad niyang inistart ang kotse at nagdrive ng mabilis. PARK Residence. Ng makarating kami sa bahay nila ay lumabas na 'ko ng kotse at ganon din naman siya. Pumasok na kami sa bahay nila at naabutan pa namin sina tita at tito na seryosong nakatingin sa cellphone nila. Ng makalapit kami sakanila ay umupo na kami sa tapat ng pinag-uupuan nina tita at tito. "Mommy?" tawag ni cedrick kina tita kaya napatingin sila sa amin saka nagsimula ng magsalita si cedrick. "Mommy may mahalaga po kaming sasabihin ni jen sa inyo kaya---" Hindi na naituloy ni cedrick ang sasabihin ng may sumulpot na maid kaya sakanya natuon ang atensyon namin. "Ma'am may tao po sa labas ng bahay. Alexandra daw po ang pangalan." magalang na sabi nito. "Papasukin mo." sabi ni tita at bumaling kay cedrick " Ano nga ulit yun? iho." sabi ni tita. "Mommy kami po ni jen ay--" naputol ang sasabihin niya ng may biglang nagsalita. "Hi tita at tito , baby at best?" Napalunok ako sa biglang nagsalita. Hindi ako pwedeng magkamali, ang boses na 'yun kilalang kilala ko 'yun. Napatingin ako kay cedrick at kung ano ang reaksyon niya. Pero ng mapatingin ako ay nakakunot siya. Na para bang nagtataka din. Kaya nilingon ko ang pinanggalingan ng boses at tama nga ako nandito siya at bakit naman? Umupo siya sa tabi ni cedrick at kumapit sa braso nito tinanggal naman ni cedrick ang kamay ni zandra at tama kayo si zandra nga nandito. "Ang sweet niyo namang magnobya't nobyo. Sana all talaga, 'yung isa kase diyan 'di na masyadong sweet." Saad ni tita na parang kinikilig at nagpaparinig. Kinilabutan ako at napalunok sa sinabi niyang magnobyo't nobya "Anong magnobyo't nobya. Mommy?" Takang tanong ni cedrick. Ganoon din naman ako, pa'nong magnobyo't nobya sila eh kami ang magnobyo't nobya. "Ikaw talaga magdedeny pa. Kalat na kaya sa social Media na kayo ay may secretong relasyon. Eto pa nga ang mga litrato oh." Sabi ni tita saka pinakita sa amin 'yung litrato at nanlaki ang mata ko sa nakikita ko ngayon. Si zandra hawak hawak ang magkabilang pisngi ni cedrick habang magkalapat ang mga labi nila. Mukhang kanina pato at hindi ko kayang tingnan kaya napaiwas ako ng tingin. Pa'no na 'to mali sila ng hinala at ito pala ang sinasabi ni zandra na sisikat at paraan para maging sila ni Cerick.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD