NARATNAN ko ang aming tahanan na sobrang tahimik. Siguradong tulog na sila Inay. Tumungo kaagad ako sa aking kuwarto at tuluyang inihandusay ang buo kong katawan sa aking kama. Tumulong muli ang aking mga luha habang paulit-ulit na inaalala ang lahat ng isinambulat ng Mommy ni Travester. Alam kong deserve kong matanggap 'yon ngunit hindi ko maiwasan ang aking sarili na hindi maramdaman ang sakit ng aking dibdib. Ang sikip ng aking loob. Parang pasan-pasan ko ang buong mundo. Wala ako sa matinong pag-iisip. Ipinikit ko ang aking mga mata habang napahagulhol sa pag-iyak. Ngayo'y yakap na ang mga unan; ang aking tanging sandigan sa mga oras na ito. Naulinigan ko ang biglaang pagtunog ng aking cellphone. Unti-unti kong napagdesisyunang bumalikwas galing sa pagkakahiga at tingnan kung sino a

