"KUMUSTA ba si Anniestacia kanina?" kaagad kong tanong kay Vivoree nang tuluyan akong nakapasok sa kanyang kuwarto. Naratnan ko siyang abala sa kanyang mga paper works. "Ewan ko lang din sa kanya, Ate Yvette. Hindi naman niya ako kinausap kanina nang sinundan ko siya. Wala nga ata siya sa mood kaya hindi ko na rin talaga siya pinilit na tanungin pa kung bakit siya nagaganon." Umupo ako sa kanyang kama. "Baka ayaw niya sa akin, Viv. Naging ganoon lang naman siya noong nakita niya ako. Simula pa lang talaga, 'yon ang ramdam ko." "Naku, Ate! Huwag kang nega riyan. For sure gustong-gusto ka ni Anniestacia 'no! Baka wala lang talaga iyon kanina. Basta! Huwag kang mag-isip nang ganyan. Mabait 'yon sa akin, eh. Kaya alam kong hindi siya ganoon sa Ate ko. Wala naman atang tunay na kaibigang ina

