Thalia's POV Halos madurog ang puso ko kanina nang makita ang buong pamilya ko... lalo na sila lolo at lola... maging sila tito at tita at ang nga pinsan ko... Halos hindi makapaniwala sila lolo at lola sa mga nangyayari pero... I know that at the right time... matatanggap din nila na wala na talaga ako. Na hanggang dito na lamang ang buhay ko. "Mahal magpahinga ka na muna." malungkot na sabi ko habang nakatingin kay Kendrick na para bang ang lalim lalim ng iniisip nito. Hanggang sa narinig kong bumulong pa ito. "Bakit ba ako nagkakaganito? Ano ba 'to? Bakit ba kahit naiinis ako kay Mhalia..." sabi niya sabay pinutol nito ang sasabihin niya. W-what did he mean by that? Bigla ko tuloy naalala ang reaksiyon ng mukha ni Mhalia kanina. Kanina ay ang cold cold ni Kendrick sa kaniya.

