Kendrick's POV
"Okay in 3,2, and 1... We're here. Thank God and we landed safely." sambit ko nang makalapag na ang eroplano namin sa airport ng Malaysia. Bumaba muna ako saglit upang magpahinga.
"Hi handsome pilot!" bati sa akin ng isang flight attendant habang nakangiti pa ito. Kasama yata namin siya kanina sa flight pero mukhang bago pa lamang dahil ngayon ko pa lang siya nakita o baka hindi ko lang pansin na nagtatrabaho siya kasama namin.
Nginitian ko rin naman siya at kumaway sa kaniya. Habang nakaupo ako ay lumapit naman siya sabay abot sa akin ng chocolate ice cream. Napataas naman ang kilay ko sa kaniya.
"What's this?" tanong ko. Umupo naman ito sa tabi ko sabay sagot nang "It's an ice cream." Bahagya pa siyang natawa.
"I mean I know this is an ice cream but what is this for?" tanong ko ulit dahil ngayon lang kami nagkita nang babae na 'to at hindi naman ako mahilig makihalubilo sa mga babae dahil ayokong may makarating na ganoong balita kay Thalia.
Selosa si Thalia pero hindi niya sasabihin na nagseselos siya sa isang babae. Hindi ko alam para bang manghuhula ako kapag sa mga ganoong bagay kaya nasanay na rin siguro ako at alam ko na ang ugali niya kapag nagseselos siya nagpapawis 'yung ilong niya at hindi na siya mamamansin. Hay ganoon ba talaga ang nature ng mga babae o ng ibang babae? Pero kahit na ganoon mahal na mahal ko 'yun.
"That's nothing dalawa kasi 'yung nabili kong ice cream akala ko mauubos ko but I think nakahanap na ako ng mapagbibigyan so... I gave it to you." sagot niya sabay pataas taas pa ang kilay nito sa akin.
"Okay thanks but hindi ako mahilig sa ice cream and better give it to him." pagtanggi ko sa kaniya sabay tinawag ko 'yung assistant pilot na kasama ko na si Phil.
"Phil!" pagtawag ko sa kaniya at may kausap yata siya sa phone kanina.
"Yes? Ano 'yun?" tanong niya sa akin nang makalapit na siya. Nakatingin naman sa kaniya 'yung flight attendant sa tabi ko.
"Mahilig ka sa ice cream 'di ba?" nilakihan ko si Phil ng mata para um-oo nalang sa akin.
"Ah oo. Akin na nga 'yan! Chocolate ice cream pa naman pala 'yan!" sagot naman niya sabay kuha ng ice cream sa akin. Ngumiti naman ako sa kaniya habang napataas naman ang isang kilay nito sa akin.
Tumayo naman ako at kinuha ang cellphone ko tsaka ko tinawagan si Kendra ang nakababata kong kapatid. Dalawa lang kaming magkapatid ni Kendra at malungkot mang ikwento mapagmahal ang kapatid ko pero nagkamali nga lang siya ng minahal isang manloloko ang g*go kaya naman ako? Hinding hindi ko magagawang manloko ng tao o ng babaeng mahal ko dahil sa may kapatid akong babae alam ko ang sakit na mararamdaman nila.
"Yes brother?" tanong nito sa akin nang sagutin na niya ang tawag ko.
"Okay na ba ang lahat?" tanong ko naman sa kaniya. I have decided already.
"Yhup! All set!" masiglang sagot naman niya. I have decided na magpropose na kay Thalia. We are 4 years in a relationship and I know na pareho na kaming sigurado sa isa't-isa.
"Okay, then thank you! Talagang maaasahan kita.” pagpapasalamat ko sa kaniya. Close na close kami ng kapatid kong si Kendra of course kami na nga lang dalawang magkapatid hindi pa ba kami magkakasundo.
"Yes brother walang ideya si Ate Thalia about this and I'm 100% sure about that. Pero late na nga sila nag-reply sa email ko at dapat ime-mesage na kita na hindi pa sila nagrereply for catering but ayun nag-reply naman after 3 days hahaha. So magpasalamat ka talaga!" pagpapaliwanag pa niya. Napaisip naman ako bakit kaya hindi nila na-replyan 'yung email ni Kendra I mean 'yung dummy account na ginawa ni Kendra.
Inutusan ko kasi si Kendra at siya 'yung naka-assign sa food for my plan. Nakausap ko na rin sila tito Lyndon and tita Crystal about sa plan ko and they are both happy dahil saksi naman daw sila kung gaano ko kamahal ang nagi-isang anak nila.
"That's good. By the way baka mga before 6:00 pm ako makakauwi pakisabi nalang kila mommy and daddy. I have also contacted 'yung sa venue para mamaya and ayos naman na rin daw so be ready." nakangiting sabi ko sabay bigla akong kinabahan at naexcite rin at the same time.
Bumalik naman ako sa pagkakaupo at magkatabi na ngayon si Phil at 'yung flight attendant at nakaakbay pa si Phil dito.
"Is that your girlfriend?" tanong nung flight attendant sa akin nang makaupo akong muli at tumabi kay Phil.
"Ah nope that's my younger sister and yes I already have a girlfriend." nakangiting sagot ko sa kaniya.
"Here." I said sabay pakita ng picture ni Thalia na naka-wallpaper and home screen sa cellphone ko.
"She's Kendrick's angel and love of his life. Naks naman." pang-aasar ni Phil sa akin.
Sumagot naman ako, "Corny man sa inyo but yesThalia is the love of my life and the woman that I know I want to spend my entire life with."
Nakita ko namang umirap 'yung flight attendant at tumayo bigla. "Okay mauna na ako sa inyo. By the way I'm Annie."
Lumakad na siya palayo sa amin ni Phil at sakto rin naman nang lumipad na kami pauwi ng Pilipinas dahil tapos na ang duty namin para ngayong araw.
"Let's go? Hay that flight attendant." pag-aaya kona rin kay Phil habang umiiling-iling pa.
"I think she's interested with you the first time na nakita ka niya and yhup bago pa lang daw siyang flight attendant na kasama natin base sa kwento niya kanina. So... sorry nalang siya because you are already inlove with someone. Let's go?" kwento ni Phil at nagsimula na kaming lumakad pasakay ng eroplano.
10:00 am ang flight namin kanina and dahil sa malapit lang naman ang Malaysia na nasa 3 hours and 40 minutes plus ang biyahe from Manila.
Habang nasa byahe kami ni Phil pabalik ng bansa ay pina-contact ko na sa kaniya si Kendra to inform her na pauwi na ako.
Nang makarating naman na kami sa airport sa Manila ay nag-out lang kami ni Phil and by the way si Phil nga pala ay matalik kong kaibigan since college kami at hanggang sa pareho na kami nang napasukang trabaho.
"Bye bro, see you later!" pagpapaalam ko kay Phil. Katulong ko si Phil sa pag-set ng plano ko for tonight.
Lumakad naman na ako sa parking lot at sumakay na ng kotse ko tsaka na ako nag-drive pauwi ng bahay. Hindi muna ako nagsabi kay Thalia na nakauwi o tapos na ang duty ko for today dahil ang sinabi ko ay 8:00 pm ko siya masusundo and 10:00 pm naman ang pagsasarado ng restaurant niya or minsan 12:00 midnight na rin depende kung mayroon pang customers pero maaga siyang umuuwi para asikasuhin na sa bahay nila 'yung ibang paper works. Iba rin kasi kapag nasa bahay ‘di ba parang comfort zone rin niya 'yun.
Habang nasa biyahe naman ako pauwi ng bahay ay may tumatawag sa akin at akala ko si Thalia na but 'yung event organizer pala. Kaya sinagot ko naman ito at tsaka ko ni-loud speaker.
"Hello po Sir? We just want to inform you again Sir na ayos na po ang venue and all set na po lahat lahat. Before 8:00 pm daw po ang dating ng magcacater and done!" masiglang balita ni Ms. Bessy 'yung event organizer.
"Okay Ms. Bessy, thank you so much." pagpapasalamat ko. "No worries Sir." sagot naman niya. "Okay bye." pagpapaalam ko sabay nag-end na rin niya 'yung phone call.
Pag-uwi ko naman pinark kona ang kotse ko sa garahe at pagpasok ko sa loob ng bahay namin ay nakita ko sila mommy and daddy na nasa sala habang nagsusukat ng mga damit na susuotin nila.
"Ito dear maganda ba? Fit ba sa akin? Attractive ba ako tignan dito?" sunod-sunod na tanong ni mommy kay daddy. Napakamot naman ako sa ulo habang natatawa pa. Parang dalaga si mommy na aattend ng isang grand ball event kung makapag-tanong kay daddy ng susuotin niya hahaha.
"Hay nako Marivic. Proposal pa lang ito ni Ken oh hindi pa kasal kaya 'wag kang excited diyan. Maghulos dili ka muna okay?" puna sa kaniya ni daddy pero malambing pa rin ang boses nito.
Tinaasan naman siya ng kilay ni mommy sabay sabing, "Oo alam ko Keandre. Gusto ko lang na maganda ako para mamaya syempre." Nilapitan naman siya agad ni daddy sabay yumakap ito mula sa likod niya.
"Alam mo Marivic kahit ano pa ang suot mo maganda ka pa rin kahit nga wala kang suot okay na basta tayo lang dalawa nun." pagbibiro pa ni daddy.
Hindi yata nila namalayan na nasa likod na nila ako. Kaya umubi ako ng pakunwari. "Ano ba naman 'yan ang langgam naman." pagbibiro ko rin sa kanila at napalingon naman silang pareho at umalis na rin sa pagkakayakap si addy kay mommy. Nahiya pa yata hahaha.
"Tama naman si Dad kahit ano pa ang suot niyo mom maganda pa rin kayo. Tsaka na kayo mag-ready ng sobra sobra kapag kasal na namin ni Thalia dahil proposal pa lang naman 'to eh but of course I want all of these to become special." sabi ko sabay ngiti kay mommy.
Tama ang nabasa niyo proposal ang pinaghahandaan naming lahat ngayon and sana hindi makutoban ni Thalia because just like other men likes or does at gusto kong masurpresa siya.
"Oh siya sige na magpahinga ka muna anak para makapaghanda kana rin niyan it's already 6:10 pm." sabi ni mommy. "Okay mom. Oh dad tulungan mo na si mom na mamili ng susuotin niya baka mamaya lahat tayo nakabihis na siya nalang ang hihintayin pa hahaha." pagbibiro ko sa kanila. Ewan ko ba 47 years old na si mom and napakaconscious niya talaga sa lahat ng bagay mula sa kakainin, sa body niya, sa health at sa iba pa. Mala-millennial mom ang dating talaga.
"Sige na umakyat kana muna sa kwarto mo ang dami mo pang sinasabi!" sigaw ni mom pero pabiro lang din naman.
"Sige na anak tulungan ko na 'tong babae na 'to haha." natatawang sagot naman ni dad. "Keandre sige na tulungan mo na ako. Dali! Pumili ka diyan! Gusto ko 'yung perfect!" pang-aasar pa ni mom sa kaniya. Hay ang saya lang nila tignan.
Paakyat naman na ako sa kwarto ko ay nadaanan ko 'yung kwarto ni Kendra na nakabukas ang pintuan. Pagsilip ko nakakalat sa kama niya 'yung mga dress niya habang pinapanood siya ni yaya Selang.
Sumilip lang naman ako. "What do you think yaya? Itong red or royal blue or pink?" tanong niya kay yaya.
Halos magaganda naman ang lahat ng mga damit niya. Hay nagmana talaga 'to kay mommy walang duda na halos pareho sila sa pagpili pa lang ng damit na susuotin ang tagal tagal na.
"Ah magaganda po lahat Ma'am. Magpalit palit nalang po kaya kayo ng damit? Halimbawa after 30 minutes mag change outfit kayo para masuot niyo lahat ng gusto niyo." sagot ni yaya Selang sa kaniya. Natawa naman ako habang nakasilip.
Si Yaya Selang talaga oh hahaha.
"Brother!!!" sigaw sa akin ni Kendra nang marinig at makita niya akong nakasilip sa kwarto niya.
"Wala akong mapili na isusuot para mamaya hay." malungkot na sabi niya. Pumasok naman na kami sa kwarto niya. Pinagmasdan ko 'yung mga damit niya sabay sabing, "Kung saan ka komportable 'yun ang suotin mo okay?"
Napanguso naman siya. "Hay si Yaya Selang naman sabi mag change outfit nalang ako per 30 minutes ano ako artista doon? Hindi naman 'yun shooting eh si yaya talaga oh hahaha." tumatawang sagot naman niya.
"Nagbibiro lang po ako Ma'am pero ang nagagandahan ko po ay itong red. Parang ang hot niyo po tignan dito kapag suot niyo "pagbibigay ng opinyon ni yaya Selang.
"Sige na Kendra basta kung saan komportable ka 'yun ang suotin mo okay? Magpapahinga lang ako saglit and magreready na rin ako niyan. Yaya kayo na po ang bahala mag asikaso diyan 20 years old na pero kailangan pa ng yaya hay. Joke haha." pagbibiro ko sa kaniya.
"Kuya I'm 20 years old and si Yaya Selang? basta need ko siya sa tabi ko hahaha. Mind your own business pumunta ka na nga sa kwarto mo." pagtataboy niya sa akin hanggang sa makalabas na ako ng kwarto niya.
Si Yaya Selang kasi ang nagbabantay sa amin at personal maid nila mommy and daddy kumbaga kaya malapit kaming lahat sa kaniya. She's 58 years old and malakas pa siya walang anak at asawa si Yaya Selang at tumanda nalang daw siyang dalaga kwento niya sa amin noon.
By the way, pagpasok ko naman sa kwarto ko ay humiga muna ako panandalian at umiglip ng mga nasa kalahating oras.
Paggising ko naman ay may message pala si Thalia sa akin.
"Hello mahal update mo nalang ako kung late or maaga mo ako susunduin ah I love you. Take care." Napangiti naman ako. Hindi ko muna siya rereplyan of course 'di ba ang alam niya ay nasa work ako niyan.
Nagpahinga lang muna ako ng ilang minute at pagtingin ko sa orasan ay 7:20 pm na pala. Kaya naman inihanda kona rin ang isusuot ko. At syempre 'yung ring na ibibigay ko sa kaniya mamaya.
Naligo na rin ako at nag-ayos na ng sarili.
Ilang minuto pa at bumaba na rin ako at nakita ko namang hinihintay na rin ako ni mommy, daddy at Kendra sa sala.
Bigla naman akong nakaramdam ng kaba.
Sana maging successful itong proposal ko.
Nagpadala na pala ako ng damit sa restaurant ni Thalia para sa sususotin niya ngayon. Pinauna kona rin naman sila mommy sa venue dahil susunduin kopa si Thalia.
Ilang minuto pa at hindi pa man ako nakakalabas ng bahay ay tinawag ako ni Kendra.
"Brother? Susunduin mo talaga siya? I think ipasundo mo nalang si Ate Thalia para surprise talaga kasi 'di ba kung susunduin mo siya parang hindi rin siya masu-surprise sa proposal mo baka sa venue pwede pa." pagpapayo sa akin ng nakababata kong kapatid.
Oo nga no?
"That's right. Oh siya ipapasundo ko nalang siya kay Phil. Sige na mauna na kayo at kakausapin ko muna si Phil. Take care." pagsang-ayon ko sa kaniya. Tumango naman ito sabay lumakad na palabas ng bahay at sumakay na sa kotse kasama nila mommy and daddy.
Tinawagan ko naman si Phil.
"Oh bro! Feeling ko kinakabahan ka na no? Aba naman! This is it!" bungad niya sa akin.
"Bro favor naman. Ikaw nalang ang sumundo kay Thalia sa restaurant niya kasi 'di ba surprise proposal 'to so... kung ako ang susundo sa kaniya baka magtaka na siya or magduda or worst magka-ideya siya. Kaya sige na bro." paghihingi ko ng pabor at alam ko namang hindi niya ako matatanggihan dahil mabait itong si Phil.
Ilang segundo pa at sumagot na rin siya, "Oo na. Oo na. Sige na 8:10 na oh magpunta kana sa venue and mga 8: 25 siguro ay nandoon na kami ni Thalia."
Mabuti naman at pumayag siya kaagad.
"Salamat bro! Ingat ah." pagpapasalamat ko.
"Walang anuman bro. Goodluck!" sagot naman niya sabay patay na ng phone call. Huminga naman ako ng malalim.
"Huwag kang kabahan Kendrick kaya mo 'yan. Mahal na mahal mo si Thalia 'di ba? at proposal pa lang 'to." kinausap ko ang sarili ko sabay lumakad na rin ako palabas ng bahay at sumakay na sa kotse.
Thalia's POV
Tapos na kaya siya sa work?
Nakauwi na kaya siya?
Hay hindi man lang niya ako inupdate.
Pero baka may valid reason naman siya.
Hintayin ko na nga lang it's 7:50 pm na rin naman at baka 8:00 pm nandito na rin naman siya.
Umalis na 'yung mga staff ko para pumunta sa venue ng pagcacateran namin susunod nalang ako kapag kailangan nila ng tulong ko or something.
Kaya naman naiwan nalang kami dito ni Vina sa office ko. Mayroon pa rin namang customer na kumakain.
"Ma'am, check ko na po at baka nandiyan na po si Sir Ken." pagpapaalam ni Vina. Tumango naman ako sabay bumaba na siya.
Ilang minuto pa at nagulat ako nang may dala-dala na siyang isang malaking kahon na white na pa-rectangular shape.
"Ma'am para sa inyo daw po." hingal na hingal na sabi ni Vina.
"What? Ano ba 'yan? Tsaka bakit hindi ka nagpatulong sa mga lalaki nating staff na magbuhat diyan? Mukhang mabigat?" pagaalala ko sa kaniya.
"Ah hindi naman po Ma'am malaki lang po kasi itong box at hiningal lang ako sa pag-akyat pero hindi naman po siya mabigat." pagpapaliwanag naman niya sabay baba na rin ng box.
"Damit?" nagtatakang tanong ko. "Kanino daw galing 'to?" dagdag ko pa habang tinuturo ang malaking kahon nang maibaba ito ni Vina sa upuan.
"May maliit na note po Ma'am baka nakasulat po diyan." sagot niya. Kaya naman binuksan ko ito.
"Good evening, Mahal ko. Wear this okay? May special occassion tayong dadaluhan. I'm sorry kung biglaan. Si Phil na nga pala ang susundo sa 'yo. Take care. I love you and see you mahal!" 'yan ang nakalagay sa note.
Napataas naman ang isa kong kilay.
"Wow! Ang ganda naman niyan Ma'am! Simple pero elegante tignan. Ang cute ng pagka kulay red niya Ma'am magmumukha kayong mala-Catriona Gray diyan kapag suot niyo." sabi ni Vina habang tinititigan 'yung damit. Habang ako walang ideya sa kung ano ang nangyayari? Para saan 'to? Bakit ganito kaganda 'yung damit? At first time niyang hindi nagsabi sa akin ng maaga about sa mga pupuntahang event na ganiyan. Haynako. By the way, 'yung damit ay color red na may mga glitters na design kaya kumikinang kinang siya then off shoulder at below the knee ang length niya. Basta maganda naman.
Bigla namang tumunog ang phone ko and nakita kong may message si Phil.
"Are you ready? Papunta na ako sa restaurant mo at pinapasundo kana ni Ken."
Kaya naman mabuti nalang at nakapag-shower na ako kanina habang hinihintay ko si Kendrick. Kinuha ko naman na 'yung damit sabay pumunta na ako sa Comfort Room para magbihis.
Ilang minuto pa nang maisuot ko naman na 'yung damit ay lumabas na rin ako.
"Ma'am! Ang ganda mo! I mean ang ganda mo lalo! As in sobra! OA na kung OA pero nagiging honest lang ako. Ang ganda talaga." namamanghang pagpupuri sa akin nitong si Vina. Nakangiti naman ako sa kaniya.
Tinignan ko naman ang sarili ko sa salamin.
Wala akong masabi. Hindi ko alam pero nang tinitigan ko ang sarili ko ay bigla akong kinabahan. Ano ba 'tong pakiramdam na 'to?
Kaya napahawak naman ako sa dibdib ko.
"Ma'am may problema po ba?" biglang tanong pa ni Vina nang makita niya akong nakatitig lang sa salamin.
"Ah wala. Bigla lang akong kinabahan. Hindi ko alam kung bakit." sagot ko. Lumapit naman siya sa akin sabay inayos ang buhok ko at inilagay ito sa likod.
"Relax ka lang Ma'am. Ang ganda ganda niyo oh. Nawa'y lahat ganiyan." sabi pa niya kaya napangiti naman ako. Huminga ako ng malalim sabay tumunog na namang muli ang cellphone ko. Nasa baba na pala ng restaurant si Phil.
Inayos ko na ang sarili ko at tinulungan din ako ni Vina hanggang sa ilang minuto pa at bumaba na rin kami at sakto naman at wala na ring customer at nagliligpit na ang mga staffs ko.
"Ang ganda naman ni Ma'am."
"Bagay na bagay ni Ma'am 'yung damit no?"
"Mukhang may espesyal na event siyang pupuntahan."
Narinig kong usapan ng mga empleyado ko. Ngumiti naman ako sa kanila.
"Pagkatapos niyo diyan ay umuwi na rin kayo kaagad ha. Have a great night guys. Ikaw na ang bahala dito Vina." pagpapaalala ko kay Vina at pagpapaalam ko na rin sa kanila.
Nakangiti rin naman sila sa akin sabay sumagot nang, "Salamat po Ma'am kayo rin po. Ingat po."
"Ingat Ma'am. Bye." pagpapaalam din ni Vina.
"Let's go?" pag-aaya na rin sa akin ni Phil. Tumango naman ako sabay lumakad na kami papunta sa kotse niya at sumakay na.
Nang makasakay na kami sa kotse at habang nasa biyahe ay tinitignan ko naman kung may message si Kendrick pero wala naman. Tahimik lang naman si Phil habang nagmamaneho.
Ano ano na ang pumapasok sa isip ko. Hinayaan ko nalang muna at tumingin na lamang ako sa daan habang nagbabyahe.
Ano kayang event 'yung pupuntahan namin ngayon? Hindi ko alam kung maiinis ako kay Kendrick o ano dahil wala akong alam sa mga nangyayari. Bahala na nga lang muna. Tapos hindi pa siya nagmemessage hay lagot ka sa'kin mamaya.
ITUTULOY...