Kendrick's POV Kinabukasan ay maaga naman akong gumising para pumasok sa trabaho. "Captain, siya nga pala I have something to tell you. " sabi ni Phil nang makalapag na kami sa eroplano ngayong tanghali. "What is it?" tanong ko rin naman sa kaniya. "Uhm... May nabanggit na ba sa 'yo si Thalia regarding sa Christening na attendan nila ni Alex?" tanong pa ulit niya. Tumango naman ako. "Yhup, it's Gab's son's Christening right?" Tumango naman din siya. "Ninang din kasi si Alex ng anak ni Gabriel and... uuwi daw siya sa isang araw, that is on thursday." kwento niya sa akin habang naglalakad kami papuntang opisina ko. It's already 11:30 pm and magla- lunch na muna kami. "Ah ganun ba... Hindi naman ako magtataka dahil magkakaibigan silang tatlo. Mabuti naman at uuwi si Alex? I'm sure

