Kendrick's POV "Ah, Annie pwede ba tayong mag- usap?" tanong naman ni Phil nang makita niya si Annie nang makababa na kami sa eroplano. "Okay Sir." sagot naman niya. Siguro may lilinawin lang siya kay Annie and that's good. Bukas nga pala ay day off ko and wala pa kaming napag- usapan ni Thalia kung ano 'yung gagawin namin bukas and I'm sure na may plan na siya. Gusto kasi si Thalia na nasusulit 'yung mga araw na free kami. "Phil! Mauna na ako sa 'yo ha. Magkwento ka na lang sa akin niyan." sabi ko pa naman kay Phil. "Sige sige Captain." sagot naman nito. Tsaka na rin naman ako pumasok sa office at kinuha ang gamit ko para makapunta na kila Thalia, pupunta ako sa kanila dahil sasabihin daw niya 'yung plan niya for tomorrow kung saan kami pupunta. Pagsakay ko naman sa kotse ko ay n

