KABANATA 69 Kendrick's POV Kinabahan naman akong bigla nang nawalan ng malay si Mhalia kanina sa park. Nandito kami ngayon sa Hospital. Mabuti na lang at malapit lang naman dito. "Hi, kaano ano mo ang pasyente? Boyfriend ka ba niya or asawa?" tanong naman sa akin nung babaeng doctor. Nagtaka naman ako kung bakit ganun ang tanong niya sa akin. "W-wait... Okay na po ba siya?" tanong ko. Tumango naman ito. "Yhup, tara, puntahan mo na siya sa loob." aya naman na niya sa akin sabay pumasok na kami sa kuwarto kung nasaan si Mhalia. Pagpasok naman namin ay saktong pamulagat na rin naman ito. "Are you okay?" tanong ng doctor sa kaniya. "Opo doc. Ano po bang nangyari?" tanong niya pa. "Nawalan ka ng malay kanina sa park Mhalia." sagot ko naman. "So... ikaw ba ang boyfriend niya?" tanon

