Mhalia's POV Pag- uwi nila Janica at Gab ay naiwan muna kami sa restaurant nitong si Kendrick. Umakyat na muna kami sa office sa taas. "Siya nga pala mahal, may naisip ka na kung anong gift ang pwede nating bilhin for your employees?" tanong naman ni Kendrick habang nakaupo kami sa sofa at nakaakbay ang kanang kamay nito sa akin. "Wala pa eh... Pero kay Cathy, 'yung regalo ko para sa kaniya ay nakapag- order na ako kanina." sagot ko naman sabay kuna ng cellphone ko nakapatong ngayon sa lamesa. "Heto oh, check mo." sabi ko pa sabay pakita sa kaniya. "What's this? Rattan bag?" tanong naman niya. Tunango naman ako bilang sagot. "Oo, nakakita ako ng rattan bag kanina na suot ng isang customer na kumakain dito sa restaurant tapos ayun, napaisip ako na ganito na lang ang iregalo ko para ka

