Mhalia's POV "Okay ka lang mahal?" tanong naman sa akin ni Kendrick habang nasa byahe na kami pauwi ng bahay. Hindi ko alam kung oo o hindi ang isasagot ko pero... Tumango na lang ako. Ang haba haba na pala ng panahon ng pinagsamahan nila ni Thalia. Bigla naman akong nakunsensiya kanina habang kinukwentuhan nila akong lahat patungkol kay Kendrick at sa kakambal ko. P-pero... wala siya... wala naman siya ngayon at ako... ako 'yung nandito. Hanggang sa nakarating na rin naman kami sa bahay. "Oh, maiwan ko muna kayo dito ha. Punta na muna ako sa kwarto namin ng daddy niyo." pagpapaalam naman sa amin ni mommy. "Okay po mom." sagot naman ni Kendrick. Ngumiti lang naman ako at umakyat na nga si mommy. "Magbibihis muna ako." sabi ko naman kay Kendrick. "Samahan kita?" tanong naman n

