Kendrick's POV Habang nasa byahe naman kami nitong si Phil ay madalas siyang tumingin sa nakasuot nitong relo sa kamay niya. "Focus sa work." seryosong sabi ko. "Okay Captain." sagot naman niya. Alam kong iniisip nito si Alex. Nasa byahe na rin siguro 'yun. Ito na mang byahe namin ay papunta sa Kuwait. Ilang oras pa nang pagtatrabaho namin ang lumipas. Safe naman as always. Hanggang sa pagbaba namin ng eroplano ay tumitingin- tingin pa rin naman si Phil sa relo niya. Excited yata ang loko. Kaya naman nilapitan ko siya. "Wala pang 'yan. Ang aga aga pa oh." sabi ko naman dahil alas- sais pa lamang ng gabi. "Alam ko Captain, baka lang kasi napaaga siya ganun." sagot naman niya. Inalis ko naman na 'yung kamay ko sa pagkakaakbay sa kaniya. "Si Annie oh." turo ko sa kaniya nang

