Chapter 3

1174 Words
Nakaharap ako ngayon sa vanity mirror ko at kasalukuyang naglalagay ng mascara at lip gloss. Hindi ko na kailangan pang maglagay ng kung ano-ano sa pagmumukha ko dahil maganda naman talaga ako. Bumaba na ako at tanging yung mga katulong nalang yung nandoon sa baba dahil kanina pa naunang pumasok yung dalawa dahil may training sila. Next week kasi ay may gaganapin na basketball tournament at ang host ay yung school namin. Starting from now, hindi ko muna makakasabay na pumasok yung dalawa. I drove my own car, yes I have my own car. Hindi ko lang masyadong nagagamit dahil ‘yong dalawa palagi yung kasama ko. Nakarating naman ako kaagad sa paaralan dahil hindi naman kalayuan yung pinapasukan namin dito sa subdivision. Napangiti naman ako dahil sa signage na inilagay nung dalawa katabi ng kotse nila. ‘THIS SPACE IS FOR EVA’ Pinark ko na ‘yong kotse ko at itinabi yung signage bago ko nilisan ang parking lot. Mag-isa akong naglakad sa hallway papunta sa room ko dahil wala akong nakitang Alessia, ni kahit anino niya man lang. Nasaan kaya ‘yong babaeng ‘yon? Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at kaingayan naman kaagad ng mga kaklase ko ang sumalubong sa’kin. Tinungo ko na ang upuan ko at nakita ko si Alessia na parang tanga dahil sobrang lawak ng ngiti niya habang nakatitig sa screen ng phone niya. “Ang creepy mo.” I said saka umupo na ako at inayos yung bag ko. “Ewan ko sa ‘yo!” Baling niya sa akin and she flipped her hair. I looked at her with disbelief as I shook my head. “You’re weird.” Mahina kong sabi at sumandal nalang sa upuan ko. Napabuntong hininga nalang ako dahil ilang oras na ang nakalipas pero wala pa din kaming klase dagdag mo pa yung ingay ng mga kaklase ko. Sa buong oras kong paghihintay na sana dumating na yung instructor namin, biglang namang bumukas ang pinto. Iniluwa naman nito si Mrs. Montero na parang nagmamadali at may importanteng sasabihin. “Okay class, sit properly—I have an announcement.” Bungad sa amin ni Mrs. Montero. “This is an urgent matter so please pay attention. The board of every schools decided that we should also held a cheerleading competition— Agad naman naghiyawan ang mga kalalakihan dahil sa sinabi ni Mrs. Montero. Tsk. “—So, we are asking the cheerleading captain to start their practice right now.” Inilibot niya muna ang paningin niya sa buong silid bago ito tumapat sa direksyon ko. “Reva, gather your girls now.” Utos nito sa’kin at pagkatapos ni maam sabihin ang mga katagang iyon ay lumabas na s’ya. Para namang sirang plaka ang mga sinabi ni Mrs. Montero dahil paulit-ulit ko itong naririnig na para bang kakasabi lang nito sa’kin. Agad naman napansin ni Alessia ang pagbusangot ko dahil sa anunsyong ‘yon at saka nagsalita siya, “Oh, anong mukha ‘yan Reva!” Tinapunan ko naman siya ng isang nakakapagod na tingin. Bakit pa kasi may cheerleading competition. “H’wag mong sabihin hindi ka masaya sa announcement ni maam kanina?” Rinig kong sabi n’ya at saka pwersahan niya akong iniharap sa kanya. “Nakakapagod kaya.” Asik ko at ibinaon ko ang buong mukha ko sa sa arm desk ko habang ginawang unan ang magkabila kong balikat. “At kailan ka pa napagod Reva? As far as I remember, gustong-gusto mo talagang magkaroon ng cheerleading competition!” Nakahalukipkip n’yang saad. She’s right. Ano ba kasing nangyayari sa’kin? “Eh, hindi sa ganitong paraan!” I exclaimed out of frustration. Why am I so nervous? “For God’s sake Reva! It is your chance to look for a boyfriend!” Masaya niyang saad na para bang siya ‘yong nasa posisyon ko. I rolled my eyes because of what she said at hinarap siya. “I am not looking for a boyfriend Alessia.” Pagdidiin ko upang tigilan niya na ako. “Whatever Reva! I’m gonna make sure na makakabingwit ka!” She insisted. Kanina pa ako nakatunganga dito sa upuan ko habang pasulyap-sulyap ko namang tinitignan si Alessia na abala sa pagsusulat. Tumunog na ang bell, hudyat na simula na ng lunch break. Sabay kaming lumabas ni Alessia ng room at habang naglalakad kami ay bigla naman naming nakasulubong si Abby. “Hello Miss captain!” I felt a little sarcasm sa tono ng pananalita niya. Siya si Abby, she’s the assistant captain of the cheering squad na palagi nalang ako ang pinagdidiskitahan. “Hey Abby, what’s up? Picking a fight?” Alessia said habang nanatili namang nasa akin ang atensyon ni Abby. She glanced at Alessia and said, “Well, I am just here to say that I’m looking forward for our practice when the class is over.” Maarte nitong sabi at nilampasan na kami. “Naiirita na talaga ako d’yan sa babaeng ‘yan!” Asik ni Alessia at napailing nalang ako dahil dagdag na naman sa problema ang ugaling mayroon si Abby. “Abby you’re doing it wrong.” Sambit ko habang tinitignan kung nakuha ba nila yung mga steps and stunts na tinuturo ko. Hindi naman nakaligtas sa paningin ko ang ginawang pag-irap ni Abby. “Tsk! Ayusin mo kasi yung mga steps na itinuturo mo.” Saglit naman akong napapikit dahil kanina pa siya ganito at kanina pa ako nagpipigil sa sarili ko na h’wag s’yang patulan dahil mag-aaksaya lang ako ng oras—lalo na’t nalalapit na ang gagawing competition. “Okay girls, from the top and after that let’s have a break!” Sabi ko at inobserbahan silang lahat kung tama ba yung bawat steps nila. Sa katunayan, hindi naman talaga dapat ako yung magtuturo may importante kasing meeting yung coach namin kaya ako muna yung incharge sa ngayon pero bukas at sa mga susunod na araw ay iyong mismong coach na namin. “Good job girls! Let’s have a break!” Sigaw ko at agad naman akong napaupo sa bench dahil kanina pa sumasakit yung buong katawan ko. Napatingin naman sa kabilang banda ng gym kung saan kasalukuyang may training ang basketball team. Sobrang laki kasi ng gym na ‘to kaya hinati eto sa dalawang parte. Yung unang parte ay para sa basketball team at iyong pangalawa naman ay para sa cheerleading team. Pagkatapos ng 2 minutes break ay balik na kaagad kami sa court at nagpractice. Napanatag naman ako dahil hindi na ulit pa nagreklamo si Abby dahil sa kaartehan niya kaya natapos kaagad kami. Naunang umuwi si Alessia habang ako heto naghihintay sa dalawa kong kapatid. Mabuti nalang at natapos na din ‘yong hard training nila at kasalukuyan na silang nagbibihis para makauwi na kami kaagad. “How’s your practice?” Panimula ni Kuya Jiro habang nasa sasakyan kami. Nasa backseat ako kaya solo ko yung malaking space, nag-unat muna ako at sinagot ‘yong tanong niya, “Okay lang naman kahit wala si Coach Rhea.” I said softly. Nakita ko naman na nakatingin si kuya Yuno sa rear mirror na parang sinisigurado kung totoo ba ‘yong sinasabi ko. I just smiled at him para hindi na siya magtanong pa. Napapikit nalang ako dahil sumasakit ang buong katawan ko dahil sa practice at talagang nanibago talaga ako dagdag mo pa ‘yong ibang girls na hindi kaagad sumusunod sa bawat instructions—but at the same time, masaya ako kasi kasali pala kami sa competition. Atleast diba hindi parin nagpapahuli ang cheerleading team.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD