"Honestly, there's a part me that's always going to have feelings for you. And yes, I move on, and try my best to be happy. But if I'm ever asked who I love, your name will always be the first one in my mind." ******** Napakalapad ng mga ngiti ni Bernadette habang pababa ng gusali para salubungin ang mga bisita. She's so excited, halos hindi makapaniwala that her dream is finally here. "Hello Maam Berna." Bati ng mga empleyado niya na naroon na nginitian at tinanguan niya naman. Nakita ni Bernadette ang alkalde ng Azucena. Kausap nito ang mag-asawa na may-ari ng MMY Foundation. Nasa kasarapan sila ng pag-uusap at tawanan. Nilakihan niya ang mga hakbang papunta sa kanilang direksyon. Malapit na siya sa kinaroroonan ng mga ito nang bigla siyang napatigil sa paghakbang. Tila biglang na

