“Hoy! Hoy!” Napakurap ako dahil tinutusok ni Claude ang pisngi ko. “Ano?!” “Bakit galit ka?” takang tanong niya. “Nakakainis ka kasi! Naalala ko na naman ‘yong mga naipong galit ko sa ‘yo!” Natawa siya. “Ipunin mo muna, aalis lang ako. May pupuntahan lang akong kaklase ko dati, nakakailang tanggi na ‘ko sa kanya kaso follower mo pala kaya alam na nasa Tagaytay rin ako ngayon.” “Claude, ‘wag mong simulan, baka ngayon pa lang masapak kita dahil naalala ko mga kagag*han mo!” Hinila ko siya nang tumayo siya. “Hindi! Mambababae ka na naman!” “Sira! Saglit lang ako, dadaan lang ako—“ “Naku, Claude, iyang dadaan mo nakabuntis ka na!” Natatawa siya sa ‘kin. Lumapit pa’t hinalikan ako sa noo nang matunog na halik. “Promise, hindi. Saglit lang ako. Mag moment ka muna, basta ‘wag mo lang

