YUKI’S ARRIVAL IN JAPAN 5 YEARS AGO Nang makarating si Yuki sa Japan sakay ng pribadong eroplano ay tila wala na siyang kabuhay-buhay. Hindi niya magawang matakot, mangamba, o kahit anong damdamin maliban sa masakit ang puso niya at nawawalan siya ng ganang mabuhay. Pagkababa niya’y sa isang farm siya dinala nang driver na naghatid sa kanya. Malaki ang farm at isa raw ‘yon sa pinanggagalingan ng supply ng bigas sa iba’t ibang bansa. ‘Homura’ ang pangalan ng may-ari niyon at isa raw ‘yon sa kaibigan ng kanyang ama. “Ms. Yuki, narito na tayo.” Bumaba ang driver at pinagbuksan siya ng sasakyan. Isang modern Japanese style ang bahay at malaki ‘yon. “Si Mr. Homura ang may-ari nito pero hindi siya nakatira rito dahil ikaw ang titira na rito ngayon.” Nagtaka naman si Yuki. “H-ha?” N

