“Sigurado ka bang hindi mo ‘yan kakainin?” tanong ni Adam. Umiling si Blue. “Okay, doon na tayo sa couch.” Doon inilapag sa center table sa visitor’s place ng secretary ang binili nito. Wala na rin ito sa loob. Sumunod siya rito at naupo sa katapat nito pero para ‘tong ibon na lumipat sa kanyang kinauupuan at tumabi sa kanya. Ibinukas nito ang pizza, natakam kaagad si Blue sa pepperoni. Ibinukas nito ang ice cream, iyon ‘yong new flavor strawberry! Sumunod ang bucket meal, iyon doon na siya muntik bumigay at ini-extend na niya ang kanyang kamay. Pero kaagad niyang binawi ‘yon. Unang kinuha ni Adam ‘yong leg part, alam nitong gusto niya ‘yon! Hinabol niya ‘yon nang tingin maging ang pagkagat nito na akala mo nasa commercial. “Ayaw mo pa rin?” tanong niya. Umiling si Blue pero n

