So, we decided na magkaroon nang intimate talk sa ‘ming pagiging mag-asawa soon. Pero humingi ako kay Claude nang panahon, at the same time humingi rin siya sa ‘kin nang panahon para sa gusto kong mangyari. Narito kami at magkahawak kamay na nakaupo sa whitesand, mayroon siyang gitara at kanina pa kami nagkakantahan nang kung ano-ano. Masaya kaming dalawa basta magkasama at hindi ko ikakaila ‘yon, pero mayro’n pa ring puwang sa ‘kin na gusto kong marinig na magkakasama uli ang GZ at nagtatawan at sa punto na ‘to, dapat si Claude ang mag-reach out dahil siya ang umalis. Ayoko ring tumagal na hindi sila nagtuturingan katulad noon. “Claude, sabi mo magpapakasal tayo kapag nakabalik ka na after ng mga gagawin mo with RSYND out of the country, ‘di ba?” Tumango naman siya at unti-unting dumau

