Sinasabi ni Yuki na ako ang unang tumawag sa kanya, hindi ko alam saan niya nakuha ang imahinasyon niyang ‘yon. “Hindi kita tinatawagan no’n, ikaw ang tumawag sa ‘kin at lasing na lasing ka pa.” Nangiti ako sa hitsura niyang tila gusto na ‘kong kagatin. “Ang kapal mo, Claude! Ikaw talaga ‘yon! Ikaw talaga!” Napagtinginan kami kaya napahiya naman siya. Pero ewan ko, ngiting-ngiti ako dahil siya si Yuki, masaya siyang tingnan at nakakagaan sa ‘kin ang makasama uli siya. “Claude, tinawagan mo ‘ko noon—“ “Hindi mo maalala na tumawag kang umiiyak at lasing na lasing sa ‘kin?” Inangatan ko siya ng kilay. Napahawak siya sa kanyang ulo at nag-isip. Bumalik siya sa ‘kin nang halos manulis ang nguso. “Ikaw ‘yon, umamin ka na kasi!” Iyong araw na sinasabi niya kauuwi ko lang sa ‘min dahil s

