Pumipirma ng mga CD ang RSYND, pinaghahanda kami ng food at habang may ginagawa sila gusto nila na nag-iinom sa lapag ng terrace. Narito ‘ko para maging tagasilbi at tagadaldal habang katabi ko si Claude. Tawanan sila nang tawanan kaya natatawa rin naman ako. Maingay si Zach at Chryss, si Calvin tagangiti lang gano’n pero ang guwapo nilang lahat naman din talaga. Agaw pansin lang talaga ‘yong pagiging blue eyes ni Calvin. Umiling ako nang maalala ko kung anong ginagawa nila kanina ni Crystal. Tiningnan ko pa si Crystal, mukha naman siyang normal, siguro ‘di ko mapapansin na nahihirapan siyang umupo at tumayo sa lapag kung hindi ko lang nakita ang nangyari kanina. Alam ko ang pakiramdam nang matusok noon at masakit pagkatapos nang ligaya. “Anong lulutuin? Ako na lang,” tumayo na ‘ko. Na

