Blue “Blue, anong ginagawa mo? Lumabas ka nga, wala ‘kong makausap dito.” Narinig kong tawag sa ‘kin ni Takumi. Inaantok na ‘ko pero ayokong palampasin ang ganitong pagkakataon. Palagi akong takot na magtatapos ang buhay ng isang tao simula no’ng panahon na namatay si Jae na isa sa kaibigan ko noon, dahilan din para masira ang relasyong binuo namin ni Adam. Lumabas ako at tuwang-tuwa siyang inakbayan ako. “Wala si Ruki, wala ‘kong makausap.” “Bakit naman ako ang naisipan mong kausapin? Bakit hindi ka na lang nag club o nambabae?” Napailing siya. “May gusto rin akong malaman sa ‘yo. Saka may iniisip din ako. Kapag may iniisip ako mas gusto ko ‘yong kasing-cute mo lang kausap.” “Loko.” Mukhang pag-iinumin pa niya ‘ko. Sa garden kami pumunta dahil naroon na ‘yong expensive brandy niy

