Nanlaki ang mga mata ko. “Claude!” Hinalikan na lang niya ‘ko sa labi. Totoo kaya na sinubusubukan niya? Ganoon ba siya kapatay na patay sa ‘kin, as in naniniguro na siya? Gandang-ganda ba talaga siya? Diyosang-diyosa Hinahalikan niya ‘ko sa leeg, rough daw pero naglalambing na parang pusa. “Wala talaga?” tanong niya. Nakikiliti ako kaya tatawa-tawa ako. “Ayoko nga makakita ng Ibong Adarna ng iba ‘no!” Nakipagpalit ako sa kanya nang puwesto. Labas na halos ang dibdib ko nang umibabaw ako. “Nagagandahan ka sa ‘kin?” tanong ko sa kanya. “Diyosang-Diyosa ba ‘ko sa paningin mo?” hindi ko mapigilang ngumiti. “Kamukha mo si Jolibee.” “Ayoko na nga! Nakakawalang gana ka!” Tatayo na ‘ko nang umangat siya’t halikan ako. “Wala talaga?” ulit niya. “Kung mayro’n ba makikipaghiwalay ka s

