“Nagkabalikan na raw sila,” balita ni Ruki sa dalawa. “Tapos iiyak na naman siya,” sabi sabi ni Takumi. “Sana hindi na saktan ni Claude si Yuki,” nag-aalalang sabi ni Blue. “Pero kung kailangan natin siyang bawiin, kailangan din natin nang ganoong tulong ni Yuki.” Sumeryoso si Takumi. “Bigyan natin sila ng oras sa isa’t isa, kailangan nila ‘yon,” sabi ni Ruki. “Dahil bakasyon tayo, gawin ninyo na ang mga unfinish business ninyo, mag travel din kayo kung gusto ninyo. Pero bumalik kaso next month ng 15. Natapos ko na ang pagre-resched nang lahat, pinipirmahan naman kaagad sa taas ng GIANTS kaya hindi tayo mahihirapan sa ‘ting mga naging kontrata.” “Kahit paano may kuwenta rin si Adam,” sabi ni Takumi. Natawa si Ruki. “Dati pinupukpok ka lang ng drumstick sa ulo no’n.” “Ruki! Huwag mo

