Sa kabilang banda. Hindi mapigilan ng kaniyang ama at ina si Angela na noo'y nagwawala sa kaniyang kwarto. Kararating lang ng mag-anak mula sa Jordan nang makarating sa kanila ang balita na na-postpone ang kasal ng kanilang unica hija at hindi na ito matutuloy. "Angela, anak...buksan mo ang pinto!" sabi ng ginang. "No! Leave me alone! I wanna die!" sigaw pa ng dalaga sa kabilang kwarto. "Habibi, makinig ka sa mama mo, please!" dagdag pa ng kaniyang ama na noo'y nag-aalala na rin. "Manang, give us the spare key! dali!" sigaw ng ina nito na natataranta na. Alam kasi nila na suicidal ang anak nila, at alam din nila kung ano ang kaya nitong gawin. "No, please! Ayoko na! Ayoko na! Huhuhuhu! I hate this life!" "Angela!" sigaw pa ng ina nito, umiiyak na rin ito habang minamadali ang pagpaso

