Two o'clock in the afternoon. "Come on in," sabi pa ni Lara sa kung sinong kumakatok sa kaniyang pintuan. The door opened and it was Julian. Nakaready na ito habang suot ang inspection vest nito. "Let's go?" ani nito sa kaniya. "Sige." Ngiti ni Lara na noo'y nakasimpleng T-shirt na puti lang at pantalon lang din. Nakaponytail lang ang buhok niya saka nagsuot din ng company vest. Simpleng-simple lang siya kung titingnan sa oras na iyon. Kinuha niya ang sling bag saka kinuha ang susi ng kaniyang sasakyan. "I'll drive, ma'am Caleign." Insist pa ni Julian. "No, ako lang, Julian." Napakamot ng batok si Julian saka tumango na rin. "Okey, sige po." Nang makalabas sila sa office ni Lara ay madali namang sumunod si Daisy. "Ma'am, nakalimutan n'yo po yata ang coat n'yo." Umiling si Lara. "

