Halos mawasak ang doorbell sa labas ng gate ng puting mansyon sa pagpindot na ginagawa ni Art. Kara-karaka naman siyang pinagbuksan ng matandang katulong matapos siyang kilala nito. “Hijo, gabi na, ah. Ano’ng ginagawa mo rito?” nagtatakang tanong nito sa kaniya saka niluwagan ang pagkakabukas ng gate para papasukin siya. Saglit niyang tiningala ang malaking bahay pagdaka'y iginala ang paningin sa malawak na bakuran. Iyon ang unang pagkakataon na tumapak siya sa bahay na iyon ng kaniyang ama at ni Layla kahit pa nga ilang beses na siyang inimbita ng mga ito sa ilang parties na ginanap doon. Humugot siya nang malalim na hininga bago muling bumaling sa matanda na taking-taka na naroon siya. “May problema ba, hijo?” alanganing tanong nito habang hinahagod ang likod niya. Palibhasa ay kil

