Mariing napapikit si Liz pagkarinig sa pamilyar na boses at napahigpit ang pagkakahawak niya sa mug na hinuhugasan. Hindi siya mapakali sa kinatatayuan dahil tila ba bawat himaymay ng kaniyang kalamnan ay biglang na-tense. Ang puso niya naman ay bumilis ang pagtahip na animo’y nakikipagkarera lalo na nang maramdaman niya ang mas paglapit pa ni Art sa kaniya. Halos tumigil ang kaniyang hininga sa pangambang hindi niya mawari. Nalilito siya sa nararamdaman niya… at natatakot. Ito… ito ang pinakaiiwasan niyang mangyari kaya’t pinakaiwasan niyang muling makasamang muli si Art. Ang muling mapalapit sa lalaking itinatangi. Sa kabila ng mga sinabi ng kapatid nito sa kaniya, naroon pa rin ang sakit ng ginawa ng binata at malay ba niya kung may ulterior motive ang magkapatid kaya siya pilit na

