Nagliwanag ang mukha ni Art nang mamataan sa entrance si Liz ngunit awtomatiko ring nagdilim nang lumingon ito sa likod pagkatawag ng kasama nitong lalaki kagabi saka binigyan ng flying kiss ang dalaga.
‘What the f*ck!’ iritadong anas ng isip niya na lalo pang sumidhi nang makita ang tila kinikilig na reaksyon ng dalaga na banaag niya kahit pa nga bahagya itong nakatungo. Tila hindi pa nga siya nito napansin pagpasok nito sa elevator. Naiiling siyang sumandal saka pinagsalikop ang mga braso habang amused na nakatitig sa likuran nito bago tumikhim at nagsalita.
“Husband or boyfriend?”
Gulat na napalingon ang dalaga sa kaniya saka napatulala, ngunit hindi naglipat-saglit ay ngumiti ito sa kaniya.
“Boyfriend,” sagot nito saka namumulang umiwas ng tingin.
‘At nag-blush pa!’ nababanas na bulong ng isip niya. He’s obviously annoyed at hindi niya alam kung bakit. Dahil ba nasagasaan ang ego niya o dahil kahit hindi niya aminin, gustung-gusto niya talaga ang dalaga?
“I see,” tanging nasambit niya saka kinuha ang cellphone niya para iwasang makapagkomento pa. Wala silang kibuan hanggang sa marating nila ang opisina nila.
Bago mananghalian ay niyaya niya si Liz na pumunta sa 21st Floor para makita nito ang ang ibang opisina doon at makilala rin ang mga staff doon. Hindi niya pa ito naipapasyal doon dahil nga sa naging busy sila sa nakaraang linggo.
“Welcome back, Eli!” bati niya sa head photographer nila na si Elias. Halos isang buwan din silang hindi nagkita ng kaibigan dahil sa sunud-sunod na training na in-attend-an nito sa iba’t ibang panig ng Pilipinas at Asya. Sinalubong din siya nito ng yakap bago napabaling kay Liz na noo’y kausap ang ilang staff.
“New talent, Art?” tanong nito.
“Nope, she’s my new Executive Assistant,” sagot niya habang tinitingnan ang mga files na ibinigay nito na naglalaman ng mga bagong shots nito.
“Really? I thought ayaw mo na sa babaeng secretary?” Nagdududang tiningnan siya nito. “Type mo, ‘no?” tukso nito saka itinaas-baba ang kilay.
“What? She’s just my secretary. Nothing more, nothing less, “ taas-kilay niyang sambit bago ibinalik ang atensyon sa mga litrato.
“Yeah, right. C’mon, do not tell me that you don’t find her attractive?” Muli itong bumaling sa dalaga na noo’y seryosong nakikinig sa ipinapaliwanag ng assistant photographer na si Jake bago humalukipkip. “Well, if you are not interested, baka puwedeng pormahan ko.” It was more of a statement than asking permission from him.
“Spare her from your game, Eli. She’s already got a boyfriend, so back off,” aniya saka sinipat ang dalaga.
She’s indeed one heck of a woman. Sa mataas nitong tindig at pang-modelong katawan, idagdag pa ang strikingly gorgeous face nito, hindi talaga malayong mapagkamalang isa ito sa mga talents nila.
“Yeah, you are not attracted to her. I can clearly see that. Tell that to the marines,” sarkastikong wika nito nang mapuna ang pagtitig niya sa dalaga bago binirahan ng tawa.
Umiling siya at bumuntong-hininga. Was he really that obvious?
PAGKATAPOS maipakilala ni Art si Liz kay Elias at sa iba pang mga staff at talents ay bumaba na sila pabalik sa opisina nila. Nakatagpo pa nila sina Jazmine pagbukas ng elevator. Papalabas sila ng elevator samantalang pasakay naman ito kasama ang iba pang managers.
“Oh, Art, Liz, tamang-tama, we’re going out for lunch, join us,” yaya nito.
“Liz could join if she wants, tutal, lunchbreak na naman. I still need to work on the proposal,” wika niya saka dumiretso ng lakad pabalik ng opisina niya para hindi na siya mapilit pa ng kapatid.
“Shall I order our lunch?” Nagulat siya nang magtanong si Liz mula sa kaniyang likuran. Hindi niya naramdaman na sumunod pala ito sa kaniya.
“You should’ve joined them,” aniya saka binuksan ang opisina nila.
“May ise-send daw kasing photos sa akin si Eli that we may add in the proposal,” dahilan nito saka nagdiresto sa lamesa nito. “What do you want for lunch?”
“Anything,” pakli niya saka pumasok sa opisina niya pagkatango ng dalaga.
Habang hinihintay ang in-order nilang pagkain ay pumasok si Liz sa opisina niya para ipakita ang mga ipinadalang larawan ni Elias. No doubt, maraming gustong sumulot sa lalaki. He’s one heck of a talented photographer.
“These photos are really good, Art,” humahangang wika nito habang bitbit ang laptop. Umusog siya nang lumapit ang babae at ipinatong ang laptop sa lamesa niya. He could smell the bubblegum scent from her body at lalo pa siyang napalunok nang mapadako ang paningin niya sa dibdib nitong humahakab sa suot nitong blazer. Pakiramdam niya tuloy ay biglang uminit sa loob ng opisina niya.
Tumikhim siya bago nagsalita, “I noticed na palagi kang amoy bubblegum, ah. Sa iyo ba nakatapat ang spray sa office mo?” tanong niya para lang pakalmahin ang sarili. Pilit niyang ibinaling ang atensyon sa kaharap ng laptop.
Kunot-noo itong bumaling sa kaniya pagkuwa’y bahagyang ngumiti. “No. Favorite cologne ko kasi ang bubblegum scent eversince childhood. Hindi kasi nakakasakit ng ulo,” sagot nito bago ibinalik ang atensyon sa laptop.
Panandalian siyang natigilan sa sinabi nito saka muling nag-angat ng tingin para tingnan ang dalaga. Napabaling naman ito sa kaniya nang mapansin ang pagtitig niya. Mataman niyang pinagmasdan ang mata nito na tila ba may gustong hanapin doon. Those eyes really looked so familiar… and so her dimples… and so her name. Hindi kaya tama ang hinala niya? Pero imposible, eh. Although there are similarities between Liz and the girl he used to know back in highschool, marami pa rin silang pinagkaiba. Ipinilig niya ang ulo saka bumuntong-hininga.
Umiwas at nagbaba naman ito ng tingin saka kunot-noong nagtanong, “May dumi ba ako sa mukha?”
He chuckled then shook his head.
“Funny, I actually know someone who’s wearing bubblegum scents back in the day.” He was hoping to get any reaction from her… but there was none. Tila nga wala itong narinig na ngumiti lang at ibinalik ang atensyon sa laptop. Ipinagpatuloy nito ang pagpapaliwanag sa presentation sa kalmadong paraan.
He heaved a sigh of disappointment dahil hindi tama ang hinala niya. At the back of his mind, he was hoping that Liz and the girl he used to know are one.
Hindi na siya nag-usisa pa at pinakinggan na lang ang sinasabi ng dalaga.
“Yeah, I guess it’s fine. You may add some and let’s see,” aniya pagkatapos makita ang ginawa nitong presentation at ilahad nito ang planong paglalagay ng ilang larawan na i-s-in-end ni Elias.
Tumango ito saka kinuha ang laptop at lumabas na ng opisina niya. Noon lang siya nakahinga nang maluwag.
‘Damn, Art! Don’t be an asshole!’ bulong niya sa sarili niya nang maramdamanan ang pag-iinit ng pakiramdam at ang paninikip ng pantalon niya dahil sa tila pagkabuhay ng kaniyang p*********i. ‘You’re her boss, umayos ka. Isa pa, she’s got boyfriend already. Focus on your job and forget that libido!’ He got up, went to his toilet and washed his face. Somehow, he cooled down and relaxed.
She ordered a Chinese food in the box, something he really likes. They ate while working at their respective offices. Pagkakain ay saglit siyang sumandal sa swivel chair. It’s been over three weeks since he had a proper sleep dahil sa pagpeprepara ng proposal niya and the tiredness took a toll on him that he did not realized that he was about to fall asleep while sitting in his office.
***
“FUNNY, I actually know someone who’s wearing bubblegum scents back in the day.”
Pakiramdam ni Liz ay tumigil ang mundo niya sa sinabi ni Art. Saglit siyang natigilan pero pinilit niya ang sarili na i-focus ang atensyon sa kaharap na laptop bago nagpatuloy ng pagpapaliwanag dito. Indeed, her heart skipped a bit when he saw a bit of disappointment on Art’s face, but then, she decided to just ignore what’s on her mind. It’s just another assumption.
Pagdating ng pagkain na in-order niya ay nagkaniya-kaniya na sila ng kain sa harap ng computer nila. She wanted to finish the tasks art gave her para naman kahit paano’y ma-relax na silang pareho sa susunod na linggo.
Isang pagtikhim ang nagpabaling ng atensyon niya sa noo’y hindi niya namalayang nakabukas na palang pintuan ng opisina niya.
“Busy?” nakangiting sambit ni Jazmine.
Tumango siya saka ito naglakad papasok sa opisina niya.
“Don’t worry, after this, mas gagaan na ang trabaho mo,” pampalubag-loob na wika nito saka tumingin sa opisina ni Art. “He’s really working hard on this project, poor boy,” may kahulugang wika nito.
Ngumiti lang siya at hindi na nag-usisa pa. With her tone, she meant personal, bagay na hindi niya paghihimasukan.
“Oh, well, could you remind him about his dinner date? Baka hindi na naman siya sumipot, eh,” anito pagbaling sa kaniya.
“No worries. I will remind him,” nakangiting garantiya niya although kating-kati siya sa pagtatanong kung sino ang ka-date nito.
“Okay. Happy weekend!” paalam nito saka lumabas ng opisina niya.
Hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras nang sipatin niya ang wristwatch niya, alas-tres na pala ng hapon. Ibinalik niya ang atensyon sa ginagawa. She needs to finish para maaga silang makauwi ni Art. Manaka-naka niyang hinihintay ang paglabas ng amo ngunit tila tutok na tutok ito sa trabaho at ni ayaw paistorbo. But she has to give the draft of the proposal with the added elements para ma-review na nito. She knocked three times ngunit hindi ito sumagot. Another three knocks then she opened the the door.
“Art, I just wanted to show—” Hindi na niya naituloy pa ang sasabihin nang maabutan niyang nakasandal ito sa swivel chair at nakapikit ang mga mata. His hands were rested over his head and breathing at pace which means that he’s in a a deep sleep. She sighed, took the empty chinese food box and water bottle from his table then threw it in the trash. He still did not move. She stepped closer and watched him sleep. She couldn’t help herself but smile as he stare at him. Napangiti siya, para kasi itong inosenteng paslit kapag tulog.
‘Who would have thought that Uno could actually looked so fragile like this?’ anas niya sa sarili remembering how tough and strong Art was whenever she watched him playing basketball.
She was overly mesmerized by the way he sleeps kaya nman muntik na niyang mabitiwan ang hawak na laptop nang maalimpungatan ito. Agad na umakyat ang hiya niya sa mukha kaya’t awtomatiko siyang napatalikod at makailang beses na napalunok.
‘Did he see me staring at him?’ puno ng pangambang tanong niya sa isip.
“Oh, I’m sorry, I fell asleep!” anito saka niya narinig ang paglangitngit ng swivel chair. Pumihit siya saka lakas-loob na lumapit dito.
“I…I-I knocked,” nagkakandabuhol-buhol na wika niya nang magsanga ang kanilang mga mata, bago pa man ito magtanong.
Napakunot-noo ito saka tumango at kinuha sa kaniya ang laptop. Bahagya pa nitong kinusot ang mata para maka-focus sa binabasa.
“Well, everything seems better,” anito saka bumaling sa kaniya. “Are you okay? You looked—”
“Yes, yes, I’m fine, of course!” aniya saka kinuha rito ang laptop. “Ahm, Jazmine passed by and told me to remind you about your dinner date tonight,” aniya saka kunwari ay tumingin sa laptop.
“Okay, thanks. Would that be all?” tanong nito, staring at her while still frowning.
Nag-angat siya ng mukha then again, met his deep stare. Muli siyang napalunok saka alanganing ngumiti rito, ayon na naman kasi ang puso niya at nagtutumambol sa kaba.
“Y-Yes, that’s all,” aniya saka tumalikod at nagmartsa palabas bago pa man niya malimutan ang ipinanata sa sarili.
Sinapo niya ang dibdib niya pagkalapag na pagkalapag ng laptop sa lamesa niya. Her heart was beating so fast and so loud na animo may nagko-concert sa loob ng dibdib niya. What’s happening to her? Isang titig lang ni Art, naghuhurumentado na ang puso niya!
‘Don’t be crazy, Liz!’ saway niya sa sarili saka nagpakawala nang malalim na hininga at pinakalma ang sarili.
She tried her best to focus on her work at ipinagsantabi ang nararamdaman. After all, it will not do any good to her kundi heartbreak!
Hindi niya namalayan na alas-cinco na pala ng hapon kung hindi pa tumawag si David na naroon na sa coffeeshop at naghihintay sa kaniya.
“Okay, I will be there in a bit,” aniya.
Hindi pa man siya nakakatayo mula sa swivel chair ay lumabas na ng opisina niya si Art.
“Let’s go, sabay na tayong bumaba,” yakag nito.
“Ah, okay,” aniya saka pinatay ang computer at sumabay na rin dito.
Mabuti na lang at may mga kasabay sila sa elevator dahil hindi niya alam kung ano ang gagawin at sasabihin kung sakaling sila lang ang naroon.
“Happy weekend,” paalam niya rito nang ganap na silang makalabas ng elevator at hindi na hinintay pang makapagsalita ang binata.
“Liz!” mula sa kung saan ay tawag ni David saka mabilis na tumakbo papalapit sa kaniya.
“O, saan ka galing? Akala ko, nasa coffeeshop ka?” maang na tanong niya, napalunok pa siya nang makitang papalapit ang boss niya. “Hurry up, akbayan mo ako! Just pretend na boyfriend kita, dali!” hindi mapakaling bulong niya saka kinuha ang kamay ng kaibigan.
“What’s with you, girl?” nagtatakang tanong nito saka inayos ang buhok niyang tumakip sa mukha niya at iniipit iyon sa tenga niya.
“I’ll explain later. Let’s go!” aniya.
Nagdududa itong saglit na lumingon pagkuwa’y taas-kilay na bumaling sa kaniya habang nakaakbay sa kaniya papalabas ng building. “Ang who’s that yummy papa?” intrigerong tanong nito.
“My boss… at puwede ba, hindi siya pagkain! Grabe kang manakam!” saway niya saka ito hinatak.