Iwinaksi ni Liz ang pagkakahawak ni Art sa kaniya saka pinilit na ngumiti sa binata. She tried her best to calm down dahil kung hindi ay baka makapagsalita siya nang hindi maganda. Ibinaling niya ang atensyon sa hawak na IPad at binasa ang naroong schedule ni Art para sa araw na iyon. “Your meeting with the HODs will be at 10:30 A.M. sa production meeting room. You have late luncheon meeting with Mr. Robe Garcia of Wardrobe Basics at 2 P.M. sa Enchanted Blue Restaurant. Then, 4:00 P.M. meeting with the HR for the additional manning and budget—” “I love you… yeah… I guess… I do,” out of the blue na wika ng binata. Awtomatikong napaangat ang tingin niya rito. Nakatitig ito sa kaniya na para bang maging ito ay nabigla rin sa sinabi. Muntik na niyang mabitiwan ang bitbit na IPad. Mabuti

