Inalis ni Art ang ilang nagkalat na tuyong dahon sa kulay abong lapida na nasa harapan niya. Ang isa ay sa kaniyang ina at ang isa naman ay sa anak nila ni Liz. Isang taon na rin ang nakakaraan mula nang mangyari ang isa sa pinakamasakit na pangyayari sa buhay nila ni Liz. He almost lost it when he realized what Layla had done. Wala siyang kaide-ideya na nagdadalang-tao pala si Liz. Walang palya ang paghatid at pagsundong ginagawa niya kay Liz sa bago nitong trabaho, subalit sa araw na iyon ay mas iginiit nitong umuwing mag-isa. Halos gumuho ang mundo niya nang malaman ang nangyari. Alam ng Diyos kung gaano ang pagsisising ginawa niya dahil sa pagpayag niya sa gusto ng nobya… because it cause the life of their unborn child and almost caused Liz’ life too. Pakiramdam niya ay pinagbagsakan

