Mistulang bulkan na sasabog si Art nang madatnan si Liz kasama ang isang lalaki sa loob ng kuwarto na inookopa ni Jazmine sa ospital. Nakaupo sa kama at nakatingala sa pamilyar na lalaki na nakasandig naman sa pader. Tanging ang mga ito lamang ang naroon kasama ang natutulog niyang pamangkin na si Jordan. Lalo pa siyang nainis nang maabutan niyang flustered ang hitsura ng dalaga habang nakikipag-usap sa pamilyar na lalaki. How dare her looked like that in front of other man? Dapat kasi ay sa kaniya lang ito natatameme! Dapat ay sa kaniya lang ito nagba-blush! Dapat ay sa kaniya lang ang atensyon ni Liz. Iyon ang ikinapupuyos ng dibdib niya. Damn, he's jealous and it's realy unlike him to feel that way! Mabilis na tumayo ang dalaga mula sa pagkakaupo pagkakita sa kaniya. Tila ito isang b

