Chapter 84 Isang sapak pa ulit ang natanggap ni Travis mula kay Gian Lee nang malaman nito ang nangyaring gapangan sa kanila ni Marli. Napasigaw tuloy si Samantha sa gulat at kagyat na hinila ang asawa palayo. "Kuya tama na!" awat ni Marli sa kapatid at napayakap kay Travis. Jusko nakakadalawang sapak na ito! Awang-awa na siya. Isa sa Daddy niya, ngayon ito namang Kuya niya! Sinasabi na nga ba niya, eh! Magugulpi ito sa pang-aaswang sa kanya. And here comes JC, humahangos papasok kasama si Nirvanna at baby ng mga ito. Tinawagan kasi ito ni Samantha sa pagkataranta. "JC, diyan ka lang! Ako sasapak sa’yo kapag sinapak mo si Travis." banta niya kaagad sa pinsan nang mapansing seryoso ang mukha nito. "O-Oo nga! Tinawagan kita para umawat, ha?" paalala ni Samantha. "Di ba sabi ko off limi

