Chapter 81 Nakarinig si Travis ng katok sa pinto ng opisina niya. "Come in." "Hi!" Natigilan pa siya nang makitang si Margi iyon. Napaiwas siya ng tingin sa mukha nito. Mas namimiss niya si Marli. It's been a month since she left. Wala siyang balak sundan ito kahit kaya niya, dahil kapag nagpupumilit siyang lapitan ito, parang mas lalo naman itong nagpupursige na layuan siya. Wag na wag lang talaga ito magkakamaling tumungtong ng Pilipinas dahil sisiguruhin niyang hinding-hindi na ito makakatakas! "May kailangan ka?" tanong niya at niligpit ang mga nakakalat na gamit sa office table niya. Lumapit ito sa kanya habang tuloy siya sa pag-aayos. "Labas tayo, out ka na di ba?" "Yes pero may bibisitahin akong site, kaya mauna na ko. Bye." akmang lalabas na siya pero hinarangan siya nito.

