Chapter 59

1910 Words

Chapter 59 Tanga... Kastigo ni Travis sa sarili. Dahil sa ginawa niya nagkaroon na naman sila ng away ni Marli. Napabuntong-hininga siya habang nagmamaneho. Ilang araw na silang walang usap-usap. Aminado naman siyang, mali talaga ang ginawa niya at dapat na humingi na lang siya ng pasensiya. Pero mas pinairal pa niya ang init ng ulo at nakikipagtaasan pa ng pride ngayon kung sino ang unang magpapakumbaba sa kanila. Mahal niya si Marli. Walang duda. Pero masama pa rin ang loob niya dahil parang ipinamukha nito sa kanya na napilitan lang itong sagutin siya base sa huli nilang pag-uusap. Na utang na loob pa niyang minahal siya nito. Pakiramdam niya tuloy parang napakapanget niyang nilalang at naawa lang ito sa kanya kaya siya sinagot... Hindi niya alam kung gaano sila katagal magi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD