Chapter 76 Natahimik sila nang may magsalita sa unahan, simula na ng party. Tinawag si Margi sa unahan dahil ito ang batch president nila noon. Pinagspeech ito sa harap ng mga dating kaklase nila. “Time flies…” narinig niyang bulong ni Ethan dahil medyo maingay sa loob. Nagsasalita kasi si Margi gamit ang microphone. “Oo nga, eh. Parang kailan lang.” “Yeah, bigla kong namiss ‘yong student life…namiss ko rin ang Muse ko.” Hindi na siya nakasagot nang maramdaman niyang may padabog na umupo sa tabi niya. Nagulat pa siya nang makitang si Travis iyon, kaya lumipad ang tingin niya kay Jarrence na nakaupo nasa tapat niya. Nakipagpalit pala ang bruha dahil tatawa-tawa ito. Lukaret talaga! “Usap nga tayo.” hawak nito sa kamay niya. “A-Ayoko nga!” “Usap lang mahal ko, hindi kita kikidnapin.”

