Chapter 92 "Mauna na ko, Batsing. Ingat. Sunduin kita mamaya. I love you." paalam ni Travis nang maibaba siya nito sa tapat ng Imperialeza Building. Hinalikan siya nito sa noo bago tinanggal ang seatbelt niya. "S-Sige, teka wala ka bang nakakalimutan?" tanong niya. "Wala naman. Bakit?" "Wala. Baka lang kako may nakalimutan ka. Sige pasok na ko. Ingat." paalam niya at isinara na ang pintuan ng kotse. Napabuntong hininga siya nang makaalis na ito. "Di man lang naalala na birthday ko ngayon. Ulyanin na ba siya?" himutok niya at nanghahaba ang ngusong pumasok sa loob ng building para magtrabaho. Siguro sa sobrang pagkabusy nito nawala sa isip nito. Ganoon naman kapag abala ang tao, hindi namamalayan ang takbo ng araw at oras kaya marahil ay hindi na nito namalayan ang pagdating ng birth

