Chapter 53 Ilang saglit pa silang nanood at makalipas ang ilang oras ay nagpaalam na si Margi na uuwi na. Kaya silang dalawa na lang ni Jarrence ang natira. Bigla niyang naalala si Travis. Hindi nila kasamang manood ang binata dahil maraming ginagawa na related pa rin sa school. Napalingon siya kay Jarrence na nakasandal sa headboard. Aantok-antok na ito dahil panay ang hikab at nangangalumata na. "Jarrence, gusto mo ng sandwich? Bitin ako dito sa popcorn at chips, eh." "Gagawa ka? Samahan kita." "Ako na lang. Alam ko naman kung nasa'n ang ingredients niyo, eh." "Sige. Ayoko ring may mamiss dito. Ham sandwich sa'kin. Thanks." "Okay. I'll go downstairs." paalam niya at bumaba na. Nagtungo siya sa dirty kitchen ng mga ito. Kumuha siya ng bowl kung saan niya paghahaluin ang mga ing

