Chapter 87 "I know it’s all set. Naghihintay na lang tayo ng araw para sa kasal, pero hindi pa ako nakakapagpropose sa’yo formally. Dinaan ko kasi sa mabilisan. Sorry." pilyo pero apologetic na sabi nito. Tama ito. Araw na lang talaga ang hinihintay. Natuloy din ang pamamanhikan. And in less than 3 months naayos na lahat. Araw na lang ang bibilangi… "Maria Lian Fortaleza, will you be the milk of my tea?" tanong nito kaya muntik na siyang matawa. "A-Ano’ng milk of your T? Kung anu-ano nalalaman mo." pambabara niya pero kumakabog ang dibdib niya at nangingilid na ang luha niya. "Biro lang. Pero seryoso. Sana wala ng atrasan. Sana wala ng habulan. Final na ‘to. Ending natin sa kasalan…will you be my lifetime partner?" "H-Hindi na partners in crime?" pagbibiro niya pero tuluyan ng nalagl

