Chapter 89 Humiga na siya sa malambot na kama at balak ng matulog dahil inaantok na rin siya. Pumikit na siya pero wala pang dalawang minuto nang makarinig siya ng mga katok. "Marli?" tawag ni Travis kaya tumayo siya sa harap ng pinto pero hindi niya binuksan. "Wala!" "Pakibukas ng pinto. Hindi ka pa ba tapos?" "Kanina pa, sadyang matagal ka lang talaga makipagtelebabad." parungit niya. "Papasok sana ako, eh, kaso sarado." "Sinara ko talaga." "Ah sarado?" "Oo nga. Ge na antok na ko." "Wait! Open the door, you can’t sleep without me. May gagawin pa tayo." Namula siya sa tinuran nito, mabuti na lang at may nakapagitan sa kanilang pinto. "Daming rooms di ba? Hindi rin ako sanay ng may katabi, shoo!" pang-aasar niya saka pinatay na ang ilaw at binuhay ang lamp shade. "Dapat masana

