Kabanata 11 : Fuego Ridge

1753 Words
Ayon sa nakakita sa tatlong turistang biktima, naglakad daw ang mga ito sa trail na patungo sa bulkang Fuego. Mula sa Base Camp ay umalis ang mga ito upang ipagpatuloy ang pagha-hike sa katabing bulkan. Binigyan sila ng babala ng tagapamahala na bukas na lamang ituloy ang binabalak ngunit sa kasawiang palad ay itinuloy ng mga ito ang nagustuhan. Nais ng mga ito na makitang malapitan ang paglabas ng lava sa gabi. Bandang tanghali nang binaybay nila Mattia ang Fuego trail. Nakatulong ang makakapal na ulap upang matakpan ang init na nagmumula sa araw. Gayunpaman ay damang-dama pa rin nila ang pagtulo ng mga pawis sa mukha. Madulas at matirik din ang daan na pinuntahan, mabuti na lamang at may dala silang mga trekking poles. Bandang alas-kuwatro ng hapon nang makatunton sila sa Fuego Ridge. Sa kasamaang palad ay wala silang nakitang kakaiba sa dinaanang trail. Wala silang napala sa pagtungo roon kundi ang mag-sight seeing sa malapitang pagbuga ng usok nito. Binilinan sila ni Señor Gonzales na bumalik na muli sa private cabin dahil baka abutan sila ng gabi sa daan. Matamlay na naglakad sila pabalik na walang nakuhang kahit ano. "I already told you that you won't gain anything from it. The police have also been around here but they didn't find anything." Nangunguna sa harap nila si Señor Gonzales. "We just wanted to ensure. It's preferable that we took action rather than doing nothing," tugon naman ni Caiden. "Well, we need to hurry, its late," pansin ng señor. Naging tahimik ang grupo habang iniilawan nila ang madilim na daan gamit ang mga headlamp at flashlight. Si Mattia ang nahuhuli sa pangkat at madalas ay lumingalinga sa paligid na para bang may hinahanap. Napansin ni Rainzel na hindi siya mapakali sa likod ngunit hindi naman nagtanong ang dalaga. Tanging kaluskos ng mga paa nila ang maririnig sa paligid. Nauulinigan din ni Mattia ang mga kulisap at ingay na nagmumula sa nilalakarang gubat. Napabuntong-hininga siya nang malalim bago makarinig ng isang huni kasabay niyon ay ang pagdaan ng pamilyar na presensya. Natigilan siya sa paglalakad at lumingon sa likod. Hindi siya nagkamali, may isang black cadejo na nakasunod sa kanila. Kitang-kita niya ang pulang mga mata nito na kumikislap sa kadiliman. Luminga si Mattia sa mga kasamahang nangunguna. Nagpapatuloy ang mga ito sa paglalakad at hindi napansin ang nakikita niya. Bumalik ang balitataw niya sa nilalang ngunit hindi niya inaasahan na maglalaho ito agad. Napapikit-pikit si Mattia upang malaman kung nagmalik-mata lamang siya. Pero nararamdaman niyang naroon pa rin ang presensya ng cadejo at mukhang niyayaya siyang sumunod. Ilang segundo pang pagtutumpik-tumpik ay nakapagdesisyon muli siyang lumakad nang nag-iisa. Sinunod niya ang sariling instinct. *** Si Rainzel ang unang nakapansin na hindi sumusunod si Mattia sa likod niya. Natigilan agad siya sa paglalakad at natatarantang bumaling sa coach. "Si Mattia!" Napatingin sa kaniya ang dalawang lalaki sa unahan at napahinto rin sa paglalakad. "Nawawala na naman siya. Hanapin po natin siya!" Walang emosyon na hindi tumugon si Caiden, samantalang nag-alala si Gonzales. "Where did he go?" anito. "I-I think he goes back there!" Tinuro niya ang nasa likod. "Damn, that kid! Let's follow him, " akmang kikilos si Señor Gonzales at pupunta sa itinuro ni Rainzel ngunit pinigil siya ni Caiden. Ipinatong nito ang kamay sa balikat ng lalaki. "We can't do that," seryosong sabi ng coach na umiling. Nagtataka na napanganga naman si Gonzales. "Wa-What?" — si Rainzel. Hindi rin siya makapaniwala sa narinig. Bumaling ang mga mata ni Coach Caiden sa kaniya at nagpaliwanag. "Alam kong masama ang loob n'yo sa akin dahil ibinibigay ko sa inyo ang mission na ito. Pero hindi ako nandito para ako mismo ang makalutas nito. Nandito lamang ako para maging gabay ninyo. Nandito lamang ako upang magbigay ng marka at sumulat ng case report. Kung hindi niyo 'to malulutas, hindi ko kayo ipapasa." Nanlaki ang mga mata ni Rainzel nang marinig ang sinabi ni Caiden. Nakatingin lamang si Señor Gonzales sa kanila dahil hindi nito naintindihan kung anong pinag-uusapan nila. Naikuyom ni Rainzel ang mga palad, kumunot ang noo at namula ang magkabilang pisngi dahil sa emosyon na pinipigil sa dibdib. Naiinis siya sapagkat tila yata walang pakialam sa kanila ang leader ng grupo. Pero kung titimbangin ang sinabi nito, ang misyon nila at ang trabaho ng lalaki, hindi niya ito masisisi. Una sa lahat, training camp nila ito. Hinahasa ng pinuno ang kakayahan nila ni Mattia. Dahil kung makapasok din sila sa HEAP, ganito rin naman ang mangyayari. Magsasarili din sila ng mga diskarte para matapos ang nakaatas na gawain at madiskubre ang mga misteryo. Iniwas niya ang paningin at walang iniwang salita na tumalikod. Mabilis ang kaniyang mga hakbang na sinundan ang daan kung saan nagtungo si Mattia. Akmang susunod si Señor Gonzales ngunit maagap na pumigil muli si Caiden. "Please, let them be. They may not look like it, but those two are paranormal investigators. They know what they're doing." "What if they don't come back?" anito na muling tumingin sa pinuntahan ng dalawang kabataan. " They'll come back. " "Aren't you worried about them?" "I am worried, but I trust in their abilities." Hindi sumagot si Gonzales na parang nag-isip muna. Ilang segundo silang nakatayo lamang roon bago nito sabihin ang nasa isip. "I have no idea whats going on. But if its that case then let's wait for them," suhestyon nito. Tumango si Caiden at hindi na tumanggi. Hindi rin naman sila makakaalis doon kung wala ang tour guide. *** Hindi nagkamali si Mattia. Tama ang kaniyang naging desisyon sapagkat nakasama niya muli ang black cadejo. Kasalukuyan siyang nasa tapat ng mga matataas na punong walang dahon. Hindi niya sigurado kung anong uri ng puno iyon ngunit napapalibutan ng mga iyon ang maliit na clearing. Sa isang bahagi ay nagkakalkal ang black cadejo ng lupa, pagkatapos ay hihinto ito bigla at titingin sa kaniya. Dalawang beses nitong ginawa ang weird na kilos bago niya naisipan na lumapit. "Ano bang problema? Anong gusto mong ipakita?" tanong niya na tinutukan ng flashlight ang binubungkal ng malaking aso. Ngunit pinagpatuloy lamang ng nilalang ang ginagawa na para bang hindi siya narinig. Puno ng kuryosidad na nanood lamang si Mattia hanggang lumalim ang nahuhukay ng nilalang. Napanganga siya at nabigla nang may makitang putol na kamay sa loob ng hukay. Lumapit pa si Mattia at umatras naman ng cadejo para makita niya nang malinaw iyon. Lumuhod siya habang sinusuri ang lupa gamit ang flashlight. Tama siya ng nakita at hindi isang guni-guni. May bangkay ng tao sa loob ng hinukay. "Anong ibig-sabihin nito?" Tumingin siya sa kasama kahit alam niyang hindi naman ito makakasagot. Bumalik ang mga mata niya sa hukay. "Hindi kaya..." Sa umaga nag-imbestiga ang mga pulis at walang nakuhang clue ang mga ito— kung saan mahahagilap ang katawan ng mga biktima. Isang advantage sa kaniya ang mag-imbestiga sa gabi dahil sa gabi ay nagpapakita sa kaniya ang cadejo. "Hindi ko pwedeng galawin ito. Kailangan mga crime scene investigators muna ang makagalaw nito. Ngayon ko lang napagtanto na importante pala si Detective Buysit..." naibulong ni Mattia sa sarili. "Salamat sa pagtulong." Hindi siya sigurado kung naunawaan siya ng nilalang ngunit pilit siyang ngumiti at hinaplos-haplos ang ulo nito. Naglabas lamang ng dila ang malaking aso at kumawag ang buntot. "Ikaw rin ba ang unang cadejo na lumapit sa akin nung isang gabi? Sa totoo lang nahihirapan akong tandaan ka dahil pare-pareho kayo ng itsura." Naisip niyang hubarin ang talisman na nakasabit sa leeg at ibigay ito sa cadejo. Ikinabit niya ang kuwintas sa leeg ng nilalang. "Ibinigay sa akin ni Lolo ang agimat na ito, ipapahiram ko muna sa 'yo para matandaan kita. Salamat muli sa pagtulong. Kailangan ko nang bumalik sa mga kasama ko para mai-report ang tungkol dito." *** Nasilaw si Caiden sa ilaw na tumama sa mukha niya. Itinaas niya ang kaliwang palad upang takpan ng linya ng liwanag. Napapikit ang isang mata niya habang nakadilat naman ng isa. "Mattia?" bulong niya ngunit nadismaya nang makita ang mukha ng hindi kilalang lalaki. "Qué estás haciendo aquí?" tanong nito na ibinaba ang flashlight. Nakakaunawa si Caiden ng kaunting spanish. Tinanong nito kung anong ginagawa nila rito. "Oh, acabamos de regresar de la Cresta del Fuego." Si Señor Gonzales ang sumagot sa tanong nito. Sinabi ng kasama na galing sila sa pagha-hike sa Fuego. "Deberías regresar a menos que quieras encontrarte con un cadejo n***o aquí," may pagbabanta sa mata at tono ng lalaki. Sinabi nitong kailangan na nilang bumalik kung ayaw nilang makakita ng cadejo. "S-Sí, sí lo haremos, gracias." Nautal ang boses ni Señor Gonzales sa kaba. Iyon lamang at tumalikod na ang lalaki saka nagpatuloy sa paglalakad sa kagubatan. "Who the hell was that?" tanong niya sa tour guide. "He's one of the guys." "Guys?" napaisip si Caiden ngunit napagtanto din niyang mga g**g members ang tinutukoy nito. "Yes, they often roam around at night." "Why they're doing that? They're not the police." Hindi sinagot ni Gonzales ng tanong na iyon, bagkos iniba nito ang usapan. "I think we should really go back. It's scarier to fight against people than mythical creatures." Nag-aalala ang mga mata nito sa hindi mawaring dahilan. Napaisip muna nang malalim si Caiden bago muling tumingin sa loob ng kagubatan. "Alam kong makakabalik sila katulad ng kahapon. Hindi ordinaryong mga bata ang mga iyon," sa isip niya. "Okay, let's go. I'm certain they'll come back," pasya niya at tumalikod na. Ngunit bago pa man sila makaalis nang tuluyan ay may narinig silang mga yapak na patungo sa kanila. Muli silang natigilan at napalingon sa likod. Nanlaki ang mga mata ni Caiden nang makitang humahangos na dumating si Mattia. Nakahinga siya nang maluwag nang bumalik na rin sa wakas ang binatilyo. "Coach Caiden! Señor Gonzales!" tawag ni Mattia sa kanila at huminto sa kanilang harapan. "May nakita akong bangkay ng mga tao roon!" Tinuro niya ang direksyon na pinagmulan. "Ha?" Napasinghap si Caiden. "Sigurado ka ba sa nakita mo?" "Oo, kanina kasama ko ang black cadejo pero umalis na rin siya. Siya ang nagturo sa akin sa hukay. Dalawang bangkay ng lalaki ang nandoon." "Kailangan nating ipaalam sa mga pulis ito," wika ni Caiden pagkatapos ay bumaling kay Gonzales. "Señor, you need to call the police. Mattia just found out two dead bodies." Halatang nagulat ang lalaki sa tuwiran niyang sinabi. Napanganga ito ngunit agad din namang nahimasmasan. "Okay. Okay. I'll call the authorities." "Huh?" Ngunit nagtaka si Mattia at inikot ang paningin sa paligid na tila may hinahanap. "Where's Rain?" ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD