LK POV
"Good morning Mom, Good morning bunso" bati ko kay mommy at sa bunso kong kapatid.
"Good morning ate, ate samahan mo ako sa condo mo sa monday, lutuan mo kami ni Ate Eve " nagpapacute pa ito kaya natawa ako .
"Oo na sasamahan kita" sabi ko sabay halik sa pisngi niya.
"Eww ate ! " sabi niya sabay punas sa parteng hinalikan ko.ang arte namn nito. Natawa lng si mommy sa amin.
"Si ate mom?" baling ko kay mommy
"Nasa kwarto niya, gisingin mo" sabi niya kaya pinuntahan ko ang room ni ate. Di ako kumatok dahil di nmn siya nagagalit pag ako ang pumapasok sa room niya. Lumapit ako at humiga sa tabi niya tyaka siya niyakap.
"Ate, gising na "
"LK wag disturbo, maaga pa" sabi niya sabay takip ng unan sa mukha niya. Hinayaan ko lng siya at niyakap na lng. Na miss ko rin kasi si ate minsan na lng ako nagagawi dito at lagi na siyang busy sa pagpapatakbo ng school.
"Ate may sasabihin ako sayo" sabi ko at unti unti niyang minulat ang kanyang mga mata.
"What is it ? May problema ka ba ?" nag aalalang tanong niya. Napabangon na rin siya.
"No ate, a-actually, I-i have a girlfriend now"
" OMG ! sa wakas ! dalaga kna ay binata pala !" natatawang wika niya "who's the lucky girl ,hmmm ?" taas babang kilay na tanong niya.
"Uhhm , di ka magagalit ate ha" alanganing wika ko. nakangiting tumango lamang siya.
"Si ano po ate,si Everie Delgado "kakamot kamot pa ako ng batok dahil baka magalit siya.
"Yung best friend ni Sam ?! wow ! di ko akalain na pareho pala tayo ng hilig LK" natatawang sabi niya.
"Di ka galit ate?" tanong ko.
"Ofcourse not, why would I ? and besides gusto ko siya para sayo and also malapit na silang mag resign " may halong lungkot na saad ni ate. Pero ano dw ?resign ?
"Resign ?" nagtatakang tanong ko. Wala nmng binabanggit si eve na ganoon.
"Oh di pa ba nasasabi ni eve sayo? you better ask her na Lng Lk" sabi niya sabay tap ng likod ko.. Di bali I'll ask her na lng .
"Pero ate, di ba sabi mo kanina sila? sila ba ni Ms Sam?" malungkot na tumangi si ate. Hmmmmm? " Ate may gusto ka ba kay Ms Sam?" taning ko na may halung pang aasar.
"Girlfriend ko siya " nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
"What?! kelan pa ate ?" nakakagulat namn . I mean maganda si ate at alam kung babae nmn talaga gusto niya pero si Ms Sam, paano niya napaamo yun ?
"Nah, let's not talk about her, let's talk about you. Nasabi mo na ba kay Eve ?" napayuko ako. Ipaglalaban ko si Eve.
"I'm always here for you LK, always remember that, hmmm?" binigyan ko siya ng napakahigpit na yakap. "Mag prepare kna, anytime ay darating na sila. SILA. Hindi ko maiwasang magalit. Lumabas ako sa kwarto ni ate at pumunta sa sarili kung kwarto. I took my phone and call Everie na agad namng sinagot.
"Hey Love, sorry kung hindi na ako nakapagpaalam sayo ha, pinapauwi na ako ni mom eh" bungad ko sa kanya.
"It's okay Love, kumain kna ba ?" tanong niya in a husky way. Kakagising lng siguro nito.
"Not yet Love, I'll eat later maliligo muna ako, mag ingat ka diyan ha, I love you Love" sabi ko.
"I love you too Love" sagot niya. Pagkatapos naming mag usap ay nag prepare na ako dahil nga anytime ay darating na SILA. Wala akong ganang lumabas ng kwarto sa totoo lng. Pero wala akong magawa.
Paglabas ko ng kwarto ay nakita ko sila na nagtatawanan sa sala. Oo sila, kasama na si mommy at kuya. Umupo ako sa tabi ni ate at agad namn niyang hinawakan ang kamay ko na pinapakalma.
"So, since we're complete, let's talk it now" sabi ni daddy. Pare this is my third daughter, Louie Kate" pagpapakilala ni daddy sa akin. Kilala na nmn nila sina ate. Tanging ako lng ang hindi nila kilala.
"Manang mana kay kate, maganda rin" nakangiting sabi ni tito alfie, best friend ni dad.
"And LK this is Vanessa, your soon to be wife" nakangiting sabi ni daddy pero ako, gusto ko nang tumakbo. Napatingin ako kay vanessa na nakangiti sa akin .. Maganda siya pero mas maganda si Eve, ang taong mahal ko at gusto kng pakasalan.
"Wife ?hah !" tumawa ako ng pagak. nag igting ang mga panga ko sa galit na pinipigilan ko " she will never ever be my wife dad ! kung gusto mong maging parte ng pamilya nila then kuya can marry her not me !?" sigaw ko, pero isang malakas na sampal ang natanggap ko na ikinagulat ko. Alam kung strict si daddy pero dko inakala na magagawa niya akong saktan.
"Louie !"
"Dad!"
Sabay na sigaw nina ate at mommy.
"Subukan mong suwayin ako at makikita mo ang kalalabasan!!" sigaw niya sa akin. Galit ko silang sinulyapan lalong lalo na si vanessa tyaka tumakbo sa kwarto ko. f**k them ! Hinding hindi ako magpapakasala sa babaeng yun! Bukod sa pamilya at kaibigan ko ay alam ni vanessa ang pagkatao ko dahil aksidente niya itong nakita noong mga bata pa kami. Akala ko ay wala lng sa kanya pero ngayon ay masaya itong ipapakasal kaming dalawa. f**k her !
"LK, papasok ako" sabi ni mom sa labas ng room ko. Binuksan ko ito at pinapasok silang dalawa ni ate.
"Are you okay baby ?" tanong ni mom habang hinahaplos ang pisngi kong sinampal ni dad. Pinunasan ko ang luhang tumutulo sa mga mata ko.
"Mom bakit ako ? nandyan namn si kuya, ayaw kung magpakasal sa kanya, hindi ko siya mahal" umiiyak na sabi ko kay mom.
"Matutunan mo rin siyang mahalin anak pag nagsama na kayo" sabi ni mom kaya napalayo ako sa kanya. Sumasang ayon siya kau dad.
"Mom you don't understand, may girlfriend ako at mahal na mahal ko siya, siya lng ang pakakasalan ko at wala ng iba mom !" tumungin ako kay ate na nanghihingi ng tulong.
"Mom hindi natin pwdng diktahan si LK kung sino ang pakakasalan niya. wag natin ipilit sa ayaw niya May girl friend na siya at mas gusto ko pa ang girlfriend niya ngayon para sa kanya kaysa sa vanessa na yun. Na sesense ko na masama ugali eh" depensa ni ate sa akin.
"Who's the lucky girl ?" nakangiting tanong ni mommy. Kaya napangiti ako.
"She's Everie Delgado mom" sabi ko sabay punas ng aking mga luha. "She's my professor and I love her so much mom" nangingiting dagdag ko.
"I'll talk to your dad. And gusto kung makilala yang girlfriend mo" nakangiting sabi noya at ginulo ang buhok ko. "Binata na ang baby ko"
"Mom, di na yan baby, may girlfriend na nga eh" sabat ni ate. Nagatawanan nlng kami at nagyakapan.
"Daya namn , kayo lng nagyayakapan, sali ako " nakasimangot na sabi ng tao sa pinto which is my baby sis.
"Come here bunso" nakangiting sabi ko, dinamba namn agad niya ako ng yakap. I'm lucky to have them .kahit papano ay may kakampi ako. Si kuya and dad lng namn ang di ako maiintindihan.
"I Love you guys"
"We love you too Lou" sabi ni mom.
°°°°°°°°
" Guys sa condo ko kayo matulog mamaya " yaya ko sa barkada. Hapon na at naisipan namng tumambay sa garden. Balak kung sabihin na sa kanila ang tungkol sa amin ni Eve.
"Anong meron at nagyaya ka?" Taning ni Teus.
"May problema ka ba ? "Si Cassy.
"Guys chill, malalaman niyo mamaya okay? I'm expecting you all later" sabi ko.
" Basta may alak pupunta ako " singit ni Lucas
" Mukha kang alak Lucas" supalpal na namn siya kay PJ. Something fishy talaga ang pinsan ko .
"Epal mi PJ, crush mo lng ata ako ehh" ganting sagot ni Lucas.
"Hoy lalaki, kadiri ka !" typical PJ. Denial .
"Chloe, ikaw ? wag mong sabihin di ka pupunta?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Pupunta ako. Don't worry" malumanay na sagot niya na kinakunot ng noo ko.
"May problema ka ba chlo " nag aalalang tanung ko.
" Wala namn, it's just that I love someone but she's engaged" ouch ! kaya pala.
"Iinom natin yan mamaya ,hmmm?" tumango nmn siya. Ano kaya ang mararamdamn ni eve pagmalamn niya na pinagkasundo ako ni dad sa anak ng best friend niya ? pareho dn ba sila ng nararamdaman ni Chloe? Pero ipaglalaban ko siya.
Sorry sa late Ups .. Lovelots