'RUSSEL GUEVARRA' Lahat ng drawers at cabinets sa loob ng kwarto na binuksan ni Jun-jun ay inisa-isa ko at kinalkal ng mabuti. Naghahanap ako ng mga bagay na pwedeng maibenta tulad ng alahas. Yes, nakokonsensya ako lalo na kapag napapalingon ako sa nakadikit na malaking picture frame ng seryoso ngunit makalaglag-panty namang kagwapuhan ng Adan na nagngangalang Theo Villaford pero sinisikmura ko na lang lalo na at kailangang-kailangan ko rin para kay Bunso. Bilang Kuya at bilang mahal na mahal ko ang kapatid ko ay handa akong gawin ang lahat kahit na nga itong pagsama sa ilegal na gawin para lang sa kapatid ko. Ginawa at sinikmura ko ito para lang makakuha kaagad ng malaking amount ng pera. Kaya nga heto ako ngayon, nag-iisa nangangapa sa gitna ng dilim. Chos! Line ng Basang-basa sa ula

