'RUSSEL GUEVARRA' Nanginginig ang mga tuhod at labi ko sa sobrang kaba, para na akong maiiyak na ewan sa sobrang kaba. Isa sa mahigpit na ipinagbabawal ni Kuya Theo ang nasuway ko na naman at alam ko– kita ko sa paraan ng pagtitig niya sa akin kanina kung gaano ito ka-disappointed sa ginawa ko. 'I'm sorry, Kuya Theo.' Lumakad palapit sa amin si Kuya Theo at hinawakan ako sa braso. Medyo mahigpit at ang mas ikinagulat ko ay nang hilahin niya ako palayo kay Meme Cardi V. "W-wait! Papa Theo." Pigil sa kaniya ni Meme Cardi. Gusto niya sana akong tulungan na magpaliwanag pero hinarang siya nila Traven. "Let them talk, Cardo. Hayaan mo sila." Rinig kong sabi ni Kuya Trestof bago ako nailayo ni Kuya Theo sa kanila. Sa isang sulok ako dinala ni Kuya Theo kung saan hindi napapansin ng mga

