Masakit ang ulo ni Ashmaria ng magising siya, Nang magmulat siya nang mata nasa loob na siya ng isang Silid. Madilim ang paligid at may kakaibang amoy. Amoy na parang pinaghalong lansa at dugo. Parang gustong bumaliktad nang sikmura niya nang mga sandaling iyon. Biglang natigilan ang dalaga kahit wala siyang masyadong Makita alam niyang may kasama siya sa loob nang naririnig nila ang kanilang paghinga at ang kamakabog nilang mga dibdib. Napupuno nang takot. Hindi niya kilala ang mga kasama niya. Ang huling natatandaan ay nasa basketball court siya kasama si Rael. Nag-uusap sila noon habang pinapanood ang mga nagkakasiyahang mga tao nang barangay. Tila para bang walang panganib sa paligid nila. Nang mga sandali ding iyon, nagpaalam si Achellion sa kanya dahil kailangan nilang mag patrolya

