Sa pagitan ng Buhay at Kamatayan

1116 Words
Sinipat niya ang paligid nang matalim at kalkulado, parang bawat ihip ng hangin at punit ng mga tuyong sanga sa ilalim ng malakas na buhos ng ulan ay may sinasabi sa kanya. Sa ilalim ng puno, naglalamon ng espasyo ang malalaking aso, umaalulong habang paikot-ikot, singasing ng matinding paghanap. Mahigpit ang kapit ni Ashmaria sa puno, ramdam niya ang panlalamig ng kanyang palad habang patuloy sa pagdagundong ang kanyang puso. Nanlalaki ang kanyang mga mata sa lalaking nasa harapan niya, tinatangay ng mga katanungan sa kanyang utak. Sinusundo ba niya ako? Sino siya? Paano niya ako natunton? Ang bagyo’y nag-aalimpuyo sa paligid, pero wala na siyang pakialam—hanggang sa biglang pumutok ang isang hikbi mula sa kanyang bibig, matalim at wala sa oras. Parang baril na sumabog sa katahimikan, sinira nito ang pagitan ng mga aso. Bigla silang tumigil, sabay-sabay na nag-angat ng ulo, nagpipitik ang mga tainga. Isang mababang ungol ang bumalot sa hangin, nagpapahiwatig ng mas matinding pagsisiyasat. Napasinghap si Ashmaria, nagkatali-tali ang takot sa dibdib niya. Agad siyang tinapunan ng tingin ng lalaki, pero hindi mabasa ang mukha nito. Isa pang Sinok ang tila lalabas sa bibig nang dalaga ngunit bigla siyang natigilan. "Subukan mong suminok ulit—hahalikan kita," anitong mababa at matalim, parang hamon. Ilang pulgada lang ang layo ng mukha niya mula sa kanya, bumabaon ang kanyang salita sa gitna ng kaguluhan. Ang gulat sa sinabi nito—o banta ba iyon? pangako?—agad na nagpahinto sa Sinok niya, parang alam na ng katawan niya na huwag siyang subukan. Nanginginig, tumitig siya sa mukha niya, naghahanap ng sagot, pero parang walang emosyon ang mga mata nito. May kaluskos sa ibaba. Isa sa mga halimaw na nilalang ang lumapit, umaalulong ng isang bagay na parang…mensahe. Hindi nila nakita si Ashmaria—pero may nahuli silang iba. Isang taong nagtatangkang tumakas. "Gab—" bulong niya, halos hindi marinig sa gitna ng ulan. Walang prenong tumakas sa labi niya ang pangalan, at parang malamig na bakal ang bumalot sa kanyang tiyan. Nahuli nila siya. Bumagsak sa kanya ang bigat ng pagkaintindi, nanghina ang tuhod niya habang namuo ang luha sa kanyang mga mata. Bago pa siya tuluyang umiyak, mabilis na tinakpan ng lalaki ang kanyang bibig, mahigpit pero hindi marahas. Nag-aapoy ang tingin nito, malapit ang mukha sa kanya. "Stay quite,” bulong niya, halos lunod sa ingay ng bagyo, pero may bigat ang boses niya—sapat para mapatid ang anumang salitang gustong bitawan ni Ashmaria. Pakiramdam niya, wala na siyang laban. Ang kasal niya, na dapat ay araw ng saya at pagmamahal, biglang naging bangungot—isang madugong trahedyang nagwasak sa mundo niya. Dumaloy ang luha niya, lumabo ang paningin, kasabay ng pagbigat ng lahat ng bumagsak sa kanya. Nagtagal pa nang ilang sandali ang mga nilalang sa ibaba, ang mabibigat nilang ungol unti-unting nilamon ng bagyo habang dahan-dahang lumusong sa kadiliman. Dumagundong ang kulog sa langit, tinabunan ang tunog ng paglayo nila. Ang lalaki, nanatiling nakapako sa lugar niya, nakikinig nang mabuti, naghihintay ng kahit anong senyales na bumalik sila. Nang matiyak niyang wala na, saka lang niya inalis ang kamay niya mula sa bibig ni Ashmaria at lumayo nang kaunti—maingat, parang may inaasahang biglang mangyari. "May sugat ka ba? Nakalapit ba sila sa’yo?" tanong nang binata, bahagyang bumaba ang tono ng boses—may halong pagod pero hindi nawala ang pag-aalala. Sumabog ang kidlat, saglit na nilantad ang mukha niya sa matalim na liwanag. Sa mabilis na pagpitik ng kidlat, saglit siyang natigilan. Kumikinang ang luha ni Ashmaria sa ulan, ang mga mata niya punong-puno ng takot at pangungulila. Pero sa kabila ng lahat, may kung anong tibay sa tingin niya—marupok, oo, pero hindi basta-basta bibigay. "Hey." Muling pumutol ang boses ng lalaki sa ulan, ngayon ay mas matigas, mas may bigat. Kumunot ang noo niya. “Are you hurt? Answer me.” Umangat-baba ang dibdib ni Ashmaria, sinusubukang isalansan ang magulong emosyon sa loob niya. Nanginginig ang tinig niya, puno ng inis. "Bakit… bakit mo ginawa ‘yon?" Kumurap ang lalaki, halatang hindi niya inaasahan ‘yon. Sa lahat ng pwedeng sabihin ni Ashmaria, ito pa. Kahit saglit lang, tila nawala ang lahat—ang kaba ng gabi, ang panganib sa paligid—nang sumaksak sa kanya ang tanong na ‘yon. "Ginawa? ang alin?" tanong niya, bahagyang bumagsak ang tono, may konting asim. "Iligtas ka? Ilayo ka sa kapahamakan?" Bahagyang umangat ang boses niya, mas matigas. “Well, forgive me if I interrupted your nightmarish little rendezvous with death.” Lalong sumiklab ang galit ni Ashmaria. "Hinalikan mo ako!" sigaw niya, nakatiklop ang mga kamao sa gilid niya. “That was my first kiss! How could you—how could you do something so… so disgusting, without even asking?” Sa isang iglap, nag-iba ang ekspresyon ng lalaki—parang nag-alinlangan, may dumaan na guilt sa mukha niya. Pero kasing bilis ng paglitaw, nawala rin. Pinalitan ng pagod na ngiti, isang ngiting hindi man lang umabot sa kanyang mga mata. “Ano ba, seryoso ka?” Bahagyang lumambot ang tono niya, pero may halong iritasyon. “Would you rather I leave you there? You think those beasts would’ve given you a choice? Do you even understand what I just saved you from?” He gestured toward the darkened forest below, where the echoes of growls were now just a memory. “Hindi ‘yon ang punto!” sigaw ni Ashmaria, tumataas ang boses niya habang dumadaloy ang luha sa pisngi niya “That… that moment was supposed to be mine. I was saving it. For someone I love. For my Alpha! And you—you stole it!” Her voice cracked, breaking under the weight of her grief. Biglang nanghina ang depensa ng lalaki habang tinitingnan si Ashmaria—nanginginig, wasak, ang galit niya panakip lang sa mas malalim na sugat. Sa unang pagkakataon, parang naintindihan niya na hindi lang basta halik ang nawala. Hindi lang ang isang sandali—kundi lahat. Ang buhay na dapat sa kanya. Ang pagmamahal na nawala. Tahimik siya, matagal, parang hindi alam kung ano ang sasabihin. Hanggang sa bumuntong-hininga siya, hinagod ang basang buhok at mahina, halos pabulong, na sinabi, “I didn’t mean to hurt you.” Mahina ang tinig niya, halos nalunod ng bagyo, pero narinig pa rin ito ni Ashmaria. Kung nakagaan ba ito sa kanya o lalong nagpainit ng damdamin niya—kahit siya hindi sigurado. Gumugulong ang isip niya sa emosyon—mga tanong na walang sagot, sakit na hindi niya alam kung paano papasanin. Kumurap ang lalaki, halata ang gulat sa biglaan niyang pagsabog. Bahagyang bumuka ang kanyang mga labi, parang hindi sigurado kung paano sasagot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD