Kinabukasan ay maaga akong gumising upang mag handa nang pagkain at para dalhan ko din nang pagkain ang mga kapatid ko sa bilangguan.
🎶Sa aking panaginip hindi ka na wawaglit kahit kailan pag mamahal para sayo'y hanggang langit 🎶
Kumakanta pa ako habang nag luluto nang adobo ngunit napa hinto ako nang May sumipol sa aking likuran.
"Wetwew ang sarap naman nang niluluto mo" tiningnan ko lang sya at inirapan, hindi ko pa nakakalimutan ang nangyari ka gabi, kong pwedi lang na hindi sya pakainin eh, pero baka mas lalo lang kami pahirapan ni inay.
"Ate bibisitahin nyo po ba sila kuya ngayon?" Napalingon ako sa aking likod nakita ko naman si Rosita na Naka tayo sa May pintuan papasok sa kusina at kinukusot ang mata nito.
"Oo baby, gusto mo bang sumama?" Tanong ko sa kanya hinain ko naman ang adobo nang masiguro kong luto na ito.
"Sige ate, gusto ko Pong sumama!!" Ramdam ko ang tuwa sa kanyang boses, mukhang na miss na nya ang mga kuya nya.
"Umupo Kana dito baby at kakain na tayo, pagkatapos nito ay maligo Kana ha" tumango lang sya sakin at nag simula nang mag sandok nang pagkain.
Matapos kaming kumain ay naligo kami nang sabay ni Rita, sanay naman na kaming maligo nang sabay ni Rita at syempre May underwear kaming pareho.
"Ate bilisan nyo po, baka gutom na sila kuya" natatawa nalang ako kay Rita.
"Tika lang baby ito na po" nang matapos kong maisa ayos ang dadalhin kong pagkain ay lumabas na kami nang bahay.
"Kuya!!!!!" Ma siglang bati ni Rita nang makita nya ang kanyang mga kuya, narito kami ngayaon sa waiting area kong saan nag hihintay ang mga bumibisita sa mga naka kulong.
"Rita!!! Na miss ka ni kuya" maluha luhang sabi ni Rustom niyakap nya naman si rita at hinalikan ito sa pisngi.
"Parang pumayat ka ata rita?" Nag tataka naman akong tiningnan ni Rico at umupo sa harapan ko habang si Rustom ay umupo katabi namin ni Rita, si kiko naman ay katabi ni rico.
"Na miss ko kasi kayo mga kuya, kailan po ba kayo uuwi?" Tanong ni Rita sa mga kapatid nya, tahimik lang ako, ayaw kong e kwento ang nangyari ka gabi baka mas lalo silang magalit kay inay.
"Hindi pa kami makaka uwi baby, basta kumain ka lang nang marami ha, malay mo sa susunod maka uwi na kami" naka ngiting sabi ni kiko, tumango naman si rita at ngumiti sa kanila.
"Ito nga palang pagkain ohh, kumain mona kayo habang nag ke-kwentuhan kayo" nilabas ko ang mga pagkain sa supot at binigyan sila nang plato
"Kayo ate, sumabay na rin po kayo" umiling lang ako sa alok ni Rico
"Tapos na kami kuya, para sa inyo lang po iyan, ubusin nyo po ha" tumango naman silang tatlo kay rita, isang oras din ang lumipas at natapos na ang oras nang pag bisita.
"Bye bye po mga kuya, mag iingat po kayo dito ha" maluha luhang sabi ni rita, niyakap nya ang mga kuya nya at hinalikan sila sa pisngi
"Ikaw din baby" sabay na sabi nang tatlo, nilapitan ko naman si rico at binigyan sya nang one hundred thousand.
"Para saan to ate?"
"Para sa mga kailangan nyo dito, konting tiis nalang at makakalabas din kayo dito" ngumiti ako nang pilit sa kanilang tatlo, ayokong makita nila ako na umiiyak, baka mawalan sila nang pag asa.
"Ayos lang ate, baka mapalaya din po kami dahil minorde idad palang po kami" pag papalakas nang loob sa akin ni Rustom, ngunit nababahala ako dahil nasa tamang gulang na si Rico baka mag tagal sya sa kulungan.
"Sigi na ate, mag iingat po kayo ha, at wag nyo pong pababayaan ang katawan nyo, lalong lalo kana rita" sabi ni kiko sakin at niyakap ako, sumunod din ang tatlo at naki sali sa yakap
"Group hug" natatawang sabi ni rita
"Ate sama nalang po ako" pakiusap sakin ni rita, ngunit ayaw kong makita nya kong ano ang trabaho ko at kong saan ako nag ta trabaho, naka uwe na kasi kami at kasalukuyan akong nag pa paalam sa kanya, pupunta kasi ako sa JS club, ngayon kasi kami mag uusap ni Corazon kong ano ang gagawin namin bukas, mas maganda yong handa kami.
"Dito ka lang baby bukas pa ako uuwe eh, mag ta trabaho pa ako mamayang gabi" pakiusap ko sa kanya, hindi na kasi ako uuwe mamaya, doon nalang ako kakain at maliligo, mag dadala naman ako nang damit eh
"Ako lang po mag isa dito" kumirot ang puso ko nang makita ko syang ma lungkot.
"Nandito naman si nanay Rita, at uuwe din ako mamaya, bibilisan ni ate sa trabaho ok ba iyon?" Naka ngoso syang tumango sa akin, hinalikan ko muna sya sa noo bago ako umalis.
"Ooohh ang aga mo ata ngayon" salubong sa akin ni lisa
"Pag uusapan kasi namin ni Corazon kong ano ang gagawin namin bukas eh" umupo ako sa harap nang bartender
"Ay oo nga pala, bukas na pala iyon, ready kana ba?" Umiling lang ako sa kanya, pano ako magiging ready kong bukas na din mawawala ang pagiging berhin ko
"Kina kabahan ako lisa" tinapik nya naman ako sa balikat
"Kaya mo yan, nga pala, kumusta na si Rita? Ok lang ba sya?"
"Ayos na sya, hindi na nya na alala ang nang yari ka gabi, isinama ko kasi sya sa pag bisita sa mga kuya nya" tumango tango naman sya, hindi rin nag tagal ang usapan namin dahil dumating na si Corazon at nag simula na kaming mag usap sa plano.
"Hay nako kailangan pa ba nang ganito? Eh gi giling lang naman tayo sa harap nang mga lalaki" natatawang sabi ni Corazon nang matapos kami, umiling nalang ako sa sinabi nya.
"Uuwi ka paba rose?" Umiling lang ako sa tanong nya
"Dito nalang ako maliligo, may dala naman akong damit, at anong oras na din kasi eh baka ma traffic lang ako kapag uuwi pa ako" paliwanag ko sa kanya
"Sabagay, una kana maligo, hindi na din ako uuwi eh, malapit nadin naman mag bukas ang club" tumango lang ako sa kanya at kinuha ang backpack ko at naligo.
"Anong oras na Corazon?" Tanong ko nang maka labas ako sa cr
"7 pm na rose, mag handa kana ito nga pala oh, ito ang susuotin mo mamaya sabi ni madam b." Kinuha ko naman sa kanya ang two piece parang maliligo lang ako sa beach nito ah.
"Good evening gentleman men, excited na ba kayong masaksihan muli ang pagsasayaw ni ms,s?" Sumipol naman ang mga tao sa loob, nakikinig lang ako kay madam b, nandito kami sa backstage at ako ang unang sasayaw, nakiusap kasi ako kay madam kanina para maka uwe ka agad ako.
"Lets welcome ms.s!!!!" Nag simula na ang tugtog at lumabas na din ako rinig na rinig ko ang sigawan at sipol nang mga lalaki sa loob nang club, giling dito kiling doon ang ginawa ko hanggang sa matapos ang tugtog.
"Alis na po ako madam b." Paalam ko kay madam tumango lang sya sa akin at sininyasan ako na umalis na.