(Rozelyn pov)
Maaga akong gumising at nag handa nang umagahan, may pasok kasi Ang bunso ko at kailangan ko ding mag handa para mag hanap nang mapapasukan.
"Good morning ate"
Pinatay ko Ang apoy matapos Kong mag luto at lumapit Kay Rita at humalik sa noo.
"Morning din baby, gisingin mona mga kuya mo para Kumain na Tayo"
Tumango naman ito at umalis, hinanda ko naman Ang aming umagahan, nang matapos ako ay pinuntahan ko naman SI nanay sa kanyang kwarto.
Tok tok
Katok ko sa pinto, ngunit walang sumasagot, inulit ko Ang pag katok pero Wala parin, Kaya binuksan ko Ang pintuan.
"Nay ka-
Napa takip ako sa aking bibig nang makita ko si nanay na naka hubad habang may naka patong na Isang lalaki.
"Lintik Kang bata ka!!! Labas!!"
Dali dali akong lumabas at sinara Ang pintuan, gusto Kong pumasok ulit at sigawan si inay at Ang lalaking iyon, ngunit diko magawa, nanginginig Ang tuhod ko na naglakad papunta sa kusina.
"Ok kalang ba ate?"
Humawak ako sa mesa at tumango Kay Rico.
"Kumain kana Rico, maliligo lang ako"
Sabi ko sa kanya aalis na sana ako nang hinawakan nya ako sa kamay.
"Ate, nakita modin ba?"
Nabigla ako sa kanyang sinabi, di nya Mang sabihin Kong ano, alam Kong may alam sya sa nang yayari sa kwartong iyon.
"Kailan pa Rico?"
Tanong ko sa kanya, pinipigilan ko Ang sariling Hindi umiyak dahil sa subrang sama nang loob.
"Noon pa pong Isang taon, gusto ko sanang sabihin sayo pero binalaan ako ni inay."
Kumapit ako nang mahigpit sa laylayan nang damit ko
"Oohh ano na namang ka artihan Yan tabi nga kayo"
Tiningnan ko nang masama SI inay, pero parang Wala lang sa kanya Ang napaka sama Kong tingin sa kanilang dalawa nang lalaki.
"ngapala, sya Ang Tito Lito nyo, maging mabait kayo sakanya ha, dahil Dito na sya titira" lumaki Ang mata ko sa sinabi nya asin Wow wow ah, di ba SI inay naaawa Sakin, samin? Nakaka sama lang nang loob.
"Baby ito lang ba Ang ulam nyo?"
Napa tawa ako nang wala sa Oras dahil sa lalaking to, tumingin naman nang masama Sakin SI inay.
"Hoy Zelyn, bumili kanga don nang masarap na ulam, bakit kasi Tuyo lang Ang niluto mo"
Hhoo mag pigil ka Rozelyn, nanay mo yan....
"Yan lang po kasi nakayanan nang pera ko nay"
Mahinang paliwanag ko, ilang ulit na akong nag buntong hininga dahil sa dalawang to.
"Ok lang baby, kain Nalang Tayo para may lakas Tayo Mamaya hahaha"
Kinilabutan ako sa tawa nang lalaking to, at sinundan pa nang inay ko, di Kona kinaya Ang tagpong yon Kaya lumabas na ako sa kusina, sumunod naman Sakin si Rico na Panay Ang bulong.
"Kumain Nalang kayo Rico maliligo Muna ako, ayaw Kong sumabay sa kanila, nandidiri ako"
Sabi ko, pumasok ako sa kwarto namin nang mga kapated ko at kumuha nang damit, pagkatapos Kong kumuha ay pumonta na ako sa cr.
Natapos Ang dalawang minuto ay lumabas na ako sa cr, naabutan ko naman sa labas Ang mga kapated ko na naka busangot habang SI Rita ay umiiyak.
"Ohh anong nangyari sa babies ni ate?"
Tanong ko sa kanilang apat.
"Ate inubos po lahat nang lalaking yon"
Sabi ni Kiko habang pumapadyak
"Ha? Anong inubos?"
Tanong ko sa kanila, nag lakad ako papasok sa kusina, Napa tulala ako dahil sa Kalat na nakikita ko.
"Kayo bang may gawa Nyan?"
Umiling naman Ang tatlo, nilingon ko naman SI Rico mag sasalita na sana ako nang unahan nya ako.
"Nag haharotan po kasi kanina SI inay at Ang lalaki ate, Kaya Ayan Ang nang yari"
Ginulo ko Nalang Ang buhok ko dahil sa inis. Mukhang Maaga akong tatanda sa mga nangyayari sa buhay ko.
"Ate gutom na po ako"
Nilabas ko naman Ang 200 na tinago ko kahapon, at binigay sa kanila Ang 100.
"Bumili Nalang Muna kayo sa tindaha, nag mamadali kasi Ang ate eh, Rita wag ka Nalang munang pumasok Ngayon ok bayon baby?"
Tumango naman sya Sakin, hinalikan ko Muna Silang apat Bago umalis, mukhang mahaba habang sabakan na naman Ang aking haharapin Ngayong araw.
*****
"Pasensya na pero di kasi Kami satisfied sa mga nakasulat sa resume mo"
Huminga ako nang malalim at pinunasan Ang tumutulong pawis sa Mukha ko.
Sa araw na to, Lima nang restaurant Ang tinangihan ako..nahihilo nadin ako, dahil Wala pa akong kain.
Lakad lang ako nang lakad Hanggang sa may Nakita akong building na nag hahanap nang waitress, dalidali akong pomonta Doon at nag Tanong.
"Excuse me po kuya, available pa po ba to?"
Tanong ko sa guard habang Naka turo sa poster na naka kabit sa kanilang pinto.
"Ay pasinsya kana ining may natanggap na SI boss, nakalimutan kolang tanggalin"
Napa busangot naman ako sa sinabi nya, bakit kasi di nila agad tinanggal, paasa lang kayo eh.
"Hhaayy...ilang araw na akong nag hahanap nang trabaho pero ni Isa di ako natanggap"
Napa buntong hininga Nalang ako, tiningnan ko naman Ang relo ko.
"3 pm na pala, uuwi na naman akong lupaypay hhaayy."
Nag simula na akong mag lakad habang palinga linga sa paligid, baka kasi makahanap ako nang restaurant o store na nag hahanap nang waitress o Kong ano man. Ngunit nahagip nang dalawang mata ko Ang Isang club, Ang club Kong saan nag tatrabaho Ang pinsan ko.
"Di naman siguro masama Kong Dito ako mag trabaho, waitress lang naman eh."
Bulong ko sa Sarili ko, naglakad na ako papunta sa pinto nang club pero Napa balik din ako, nag dadalawang isip ako Kong papasok ba ako o Hindi, pero Kong Hindi baka Wala na kaming makain nang mga kapated ko.
"Oohh anong ginagawa mo Dito Lyn?"
Napa kapit ako sa aking dibdib dahil sa gulat.
"Aahh magandang hapon po. Madam B. Mag tatanong lang po sana ako Kong pwedi pong pumasok Dito biling Isang waitress"
Dali daling Sabi ko, nahihiya kasi ako Kay madam, di ko kasi tinanggap noong nakaraang buwan Ang offer nya. Tapos Ngayon lalapit lapit ako...
"Oohh mabuti at nag Bago Ang isip mo, halika sa loob na Tayo mag usap."
Sumunod naman ako sa kanya, Nang maka pasok kami ay napanganga ako dahil sa luwag at Ganda nang loob nang bar, first time ko kasing makapasok sa loob nang bar eh.
"Welcome to JS club iha"