CHAPTER SEVEN

1130 Words
Nagising Ako dahil sa ingay, kinapa ko Kong nasa tabi ko si Rita ngunit Wala Akong nakapang tao, nag madali nalang Akong bumangon at hinanap Ang ingay na aking narinig, ngunit habang naghahanap ay natagpuan ko si Rita sa gilid nang sofa na umiyak Ito. "Rita bakit ka umiiyak?" Tanong ko ngunit patuloy lang syang umiiyak habang nakayukot naka takip Ang dalawang kamay sa kanyang bibig. "Rita, ano bang nangyari ha?" Tanong ko ngunit Wala Akong nakuhang sagut, patuloy parin itong umiiyak habang naka takip Ang dalawang kamay sa kanyang Mukha, nilapitan ko nalang sya at niyakap. "Tahan na baby ko, Kong Ano man Ang nangyari Sayo Sabihin mo nalang Mamaya Kay ate pag ok kana ha?" Dahan dahan Kong Sabi sa kanya, Hindi ko alam Kong ano Ang nangyayari sa kanya, palagi Kasi Akong madaling Araw na Kong umiwi kaya minsan di ko na Sila nakakausap Kong ayos lang ba Sila. Panay Ang titig ko Kay Rita, kumakain kami Ngayon nang tanghalian, hinihintay ko ding Sabihin nya sakin Kong bakit sya umiyak kanina, nang tumahan Kasi sya kaninay nginitian nya lang Ako at pumasok sa loob nang kwarto namin. "Rita, ayos kalang ba?" Nag aalala Kong Tanong sa kanya, huminto sya sa pagkain at tumingin sakin. "Ayos lang Ako ate, na miss ko lang Sila kuya" pansin ko Ang lungkot sa kanyang boses, napa buntong hininga nalang Ako. "Aalis na Ako Rita" paalam ko sa kanya, kailangan ko Kasing pumasok nang Maaga para maghanda at kailangan Kong Malaman Ang detalying sasabihin ni madam b para sa VIP namin next week. "Ok Po ate, mag iingat Po kayo" ngumite lang Ako sa kanya at naglalakad na palabas. Nang nakarating Ako sa club ay pumasok agad Ako sa opisina ni madam b. "Oohh Rozielyn, saktong sakto Ang pag dating mo, halika umupo kana sa tabi ni corazon" tumango lang Ako sa kanya "So kayong dalawa Ang pipiliin ko na sasayaw next week, sabay Naman kayong sasayaw, pero galingan nyong dalawa ha, dahil mga kaibigan nang boss natin Ang vip ok" matapos nyang Sabihin iyon ay pinaalis na nya kami, madami din Kasi Ang gagawin nya, Ewan ko Kong ano baka busy sya sa mga boys. "Lyn baka Meron Kang idea para sa gagawin natin next week?" Malalim Akong nag isip, ngunit kahit anong gawin ko ay wala talaga akong maisip na ideya. "wala akong maisip Corazon, ikaw baka May ideya ka?" tanong ko sa kanya ngunit umiling lang sya sa akin, napakamot nalang ako sa aking ulo dahil pareho kaming walang maisip kong ano ang aming gagawin. "Bakit kasi hindi tayo sinabihan ni madam b kong ano ang ating gagawin, binigyan nya nalang sana tayo nang tugtog o kong ano pa man hhhaaaayyy!!!" Natawa nalang ako sa pag re reklamo ni Corazon. "Ooohhh btw Naka ready na yung susuotin nyo, and the exact date of you're performance to our VIP is this coming Monday, so it is October 20, understand?" Sabay kaming lumingon sa pintuan nang bigla itong bumukas at sumilip si madam b. "Ok madam, btw yung tugtog po?" Tanong ko "Ooohhh that is you're problem, kayo nang bahalang mag isip kong ano, May tiwala naman ako sa inyo eh lalo Kana Rozelyn " kinindatan pa nya ako bago isara ang pinto. Nakakatuwa sana yung papuri nya, ngunit sa kalaswaan ko naman gagamitin ang pagiging magaling ko sa pag sayaw. "Aaaahhhh nakaka stress naman to, bakit ba kasi ako ang pinili ni madam b eh" sabi nya habang ginugulo ang buhok sabay sub-sob sa misa. "Ayos lang yan, mag isip nalang tayo nang tugtog, para yung step naman ang kasunod madali nalang naman iyon, lalo pa't giling at landi lang naman ang kailangan" tumango tango lang sya sa akin. "Hay malapit na ang monday, Friday na ngayon and we only have 2 days to prepare." Naka sub-sob parin sya sa mesa habang sinasabi iyon. "Kaya nga eh hhaayy" sabay kaming napa buntong hininga. "How about Gabriela by katseye" excited siyang nag taas nang kanyang ulo at tumingin sa'kin. "Anong kanta naman yan? Maganda ba iyan?" Tanong ko, hindi ko kasi alam ang kantang sinabi nya. "Ano kaba viral yan sa t****k ngayon eh" kinuha nya ang kanyang cellphone at May pinindot, siguro ko'y hinanap nya ang kantang iyon. "Ito OOHH pakinggan mo" maiigi kong pinakinggan ang kanta habang si Corazon naman ay tumayo at sumayaw. "Alam ko ang step nyang ohh tingnan mo" nang mag simula na ang chorus ay nag simula na syang sumayaw, hindi ko maiwasan na humanga sa kanya, sa pag pitik palang nang kanyang mga kamay at sa lambot nang kanyang beywang ay alam kona kong bakit sya ang pinili ni madam b. "Ooohhh diba!!! Maganda yan lyn" tumango lang ako sa kanya, tiningnan ko naman kong anong oras na and its 10 am already. "Maganda nga sya, Iyan nalang ang ating gagamitin, at yung steps Corazon pwedi bang bukas nalang sa umaga nating pag usapan? Bibisitahin Kopa kasi yung mga kapatid ko sa presinto eh" pag papaalam ko sa kanya, bibilhan Kopa kasi sila nang makakain at uuwi din ako sa bahay namin. "Sige Lyn, mag iingat ka" tumango lang ako sa kanya. "kita nalang tayo mamaya Corazon" tugon ko sa kanya. hindi rin nagtagal at narating kona ang presinto dito sa Quezon mabuti na nga lang at hindi traffic eh. "good noon sir, bibisitahin ko lang sana Ho ang aking mga kapatid " bati ko sa pulis "ok ma'am pakiantay nalang po diyan" turo nya sa gilid nang kulungan kong saan maaring maghintay onmag usap ang mga bumibisita. "ok Po salamat po" tumango lang ang pulis sa akin at umalis, umupo naman ako at hinintay ang mga kapatid ko, hindi rin nag tagal ay dumating sila, May kasama silang dalawang pulis. "ate" sabay nilang bati sa akin nang makaupo na sila sa upuan. "kamusta kayo dito? hindi ba kayo sinasaktan nang mga kasamahan nyo sa rehas?" tanong ko ngumiti lang sila sa akin umiling. "nga pala ito OOHH dinalhan ko kayo nang pagkain" nilapag ko naman ang supot na dala-dala ko sa misa. "wow Jollibee " natawa nalang ako kay Kiko alam kong na miss na nyang kumain sa Jollibee. "ibigay mo nalang ang akin kay Rita ate, paborito nya kasi ang mga iyan eh" turo ni Rico sa spaghetti, fries at fried chicken na tinake out ko sa Jollibee. "kainin Mona iyan Rico, binilhan ko rin si tita, ito oh" pinakita ko sa kanya ang isang supot, tumango lang naman sya at nag simula nang kumain, muli ko namang nilapag sa upuan ang supot na para kay Rita. "salamat ate ha" ngumiti lang ako sa kanila at ginulo ang buhok ni Rustom. "ate naman eh" reklamo nya at muling inayos ang kanyang buhok. "mag hintay lang kayo mga babies makakalaya rin kayo rito"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD