SEE "Kailan ba kasi balik mo rito?" Nagtaas ng kilay si Leanne sa akin habang naka-face time kaming tatlo nina Clea. Magkasama silang dalawa sa isang restaurant, at mukhang nagkita pa silang dalawa para dito. It's been ages since I left. I miss Philippines very much. Gustuhin ko man na bumalik na noong mga nakaraang taon, hindi ko pa puwedeng iwan ang New York dahil sa pag-aaral. Mas gusto kong sa iisang lugar lang ako magpatuloy, kaysa pa-iba iba ng environment. Mas mahihirapan ako kapag gano'n. At parang sumang-ayon ang panahon para hindi ako agad makabalik ng Pilipinas dahil sa nagkaproblema ang isa sa aming branch ng hotel dito sa New York. Nahirapan ako noong una dahil unang beses kong mahawakang talaga ang kumpanya namin. Nang si Mommy lang ang gumagabay. Halos manlumo kami ni Mo

